Chapter 1: Loki's Property

2.4K 35 0
                                    

Chapter 1: Loki's Property

~•※•~

KEARN

Excited na akong pumasok sa loob.

Buti na lang at pinayagan ako nina Eomma at Appa na magtransfer dahil hindi ko na talaga kaya dun sa dati kong school.

Napatingala ako at napangiti nang dumaan kami dun sa mataas na gate na may magandang arc.

Ngayon pa lang naiimagine ko na ang sarili kong magiging masaya ako dito sa school na to.

May dumaang mga babaeng estudyante at halos maluha ako nang makita ko yung cute nilang uniform.

Sa wakas, magkakaroon na ako ng magandang high school life dito.

Nagpasalon pa ako, bumili ng mga bagong damit at nagresearch para mawala na yung geek at manang na dating ako.

Hindi ko naman alam kung bakit sadyang mapanglait ang mga 21st generation teens at kapag nagsuot ka ng halos takpan mo na yung buo mong katawan ay bigla ka na lang tatawaging manang, nerd, geek, weirdo at kung anu-ano pa.

Luh, dati nga uso yung mga mahahabang saya at long sleeves.

"That's all guys, you can go." rinig kong sabi nung Teacher na nagtotour sa mga new students at mga transferees.

Luh, may sinasabi ba siya kanina? ⊙︿⊙

Luh, ano yung sinabi niya?! Nabusy kasi ako sa pagdedaydream, tae.

Kinalabit ko yung babaeng nasa harap ko para magtanong pero tinarayan niya lang ako at iniwan roon.

Luh, ang sungit naman niya.

Tumalikod ako para tumingin tingin sa paligid nang mahagip ng mata ko yung isang lalaking nagwawalis sa di kalayuan.

Bigla siyang tumigil at tumingin sa direksyon ko.

Luh, ba't ganun, ba't ang creepy nung tingin niya?

Binitawan niya yung walis at mabilis siyang naglakad papalapit sa direksyon ko.

"Miss ilag!"

"Ha?" lilingon sana ako kung sino yung sumigaw pero biglang may tumama sa mukha ko na matigas na bola na ikinabigla ko.

Hindi ako nakakilos agad at parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Miss okay ka lang?" tanong nung isang babae na biglang sumulpot sa harap ko.

"Sorry ha. Napalakas yung sipa ko." sabi pa niya.

Hinawakan ko yung ulo ko tapos yung mukha ko.

"Okay walang brain damage at hemorrage, Ako si Kearn Angella Nam, 19, Okay... Walang amnesia... Okay.. Oo, okay lang ako." sagot ko dun sa babae na nakanganga ngayon.

"O-kay?" alanganin niyang sabi saka kinuha yung bola sa tabi ko.

"Lalainne Guiron nga pala." sabi niya extending her arms.

"Kearn Angella Nam. K.An na lang itawag mo sa kin." sabi ko saka inabot yung kamay niya.

"May lahi ka no?" tanong niya.

"Oo, Korean ang Papa ko. Half-Thai, Half-Filipino ang Mama ko." sagot ko.

"Wow. Kaya pala mukha kang anghel." nakangiti niyang sabi na ikinapamula ko.

First time kong mapuri ng ibang tao.

"Kamsahamnida." sabi ko na bahagyang nagbow.

"Ay bet ko yan! Tara chingu-yah... Ipapakilala kita kay Bespren Utol ko." sabi niya saka hinila ako.

Devil Behind MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon