Chapter 23: Vial and Vein

672 15 0
                                    

Chapter 23: Vial and Vein

~•※•~

KEARN

"Bebeh K. Heto na yung story review nung Goblin. Enjoy!" nakangiting bungad sa kin ni Lala at ibinigay sa kin yung nine pages na print out.

"Uy, salamat ha?" sabi ko saka inilagay iyon agad sa bag ko.

Story review ng Goblin ang codename ng ibinigay kong assignment kay Lala. Legend of the Blue Sea naman ang kay Hailee at Love in The Moonlight ang kay Genie.

Alam ko kasing may mga mata, ilong, baba, at tenga ang ibang Houses dito sa loob ng achool.

Nalaman ko yun dahil dun sa eengot engot na nagvandal ng dugo sa isa sa mga building nung isang araw.

"K.An, may naghahanap sa yo!" sigaw ng isa kong kaklase.

Napatakbo ako sa may pinto at naabutan ko doon si Genie at Hailee.

"Heto na yung pinapadownload mong K-drama." sabi ni Genie at ibinigay sa akin ang isang usb.

"Graveh beh. Wag mong ifafastforward, super ganda. Pwames!" nakangiting sabi ni Hailee.

Napatango na lang ako.

Umalis na sila at bumalik na ako sa upuan ko.

Dun ko lang napansin na nandoon si Loki.

Okay, K... Relax. Act normal! 😣

Uupo na sana ako nang biglang may nagtapon ng bag ko sa isang tabi.

Napalingon ako sa kung sino ang nagtapon ng bag ko at nakita kong nandoon si Paris the Boobs.

"Dun ka. Ako ang uupo dito." utos niya saka naupo sa upuan ko.

I rolled my eyes at pinulot yung bag ko.

Nang nilingon ko siya, nagsisi ako at dali daling inilihis ang paningin ko.

"Fuck." sambit ko.

Napatingin yung mga nasa malapit sa kin.

"Baket? Masamang magmura mga pashnea?" tanong ko.

Agad silang bumalik sa mga ginagawa nila.

Pumunta ako sa isa sa mga vacant seats at naupo.

"Jelly ka beh?" tanong ng nakangising si Lala.

Pano ba naman kasi, dito pa talaga sila naghalikan.

Luh, mga walangya! Lalo na ang Paris the Boobs na yun! 😤

Nginitian ko siya.

"Wait lang sila. Ipapakain ko talaga sila kay Bebeh Dimples. Namo." sabi ko na ikinapamutla ni Lala.

Ipinakilala ko sila sa alaga kong si Dimples at halos mawalan ng ulirat nun sina Lala at Hailee.

Isang boa si Dimples na 11 ft at kayang kumain ng sampung manok at kayang magpatumba ng isang baka.

"K.Annn!"

Bigla akong napatakip ng tenga.

"Fuckshitfuck!" bulong ko.

"Annyeong K.An!!!"

Tumingala ako at bumungad sa kin ang mukha ng dalawang anak ni Venna.

"Mga pashnea! Anong ginagawa niyo dito?!" sigaw ko.

Nasa amin ang tingin ng lahat at mukhang nagtataka silang lahat sa mga nangyayari.

"Luh, siya oh. Kambal oh, ang hard ni KK." sumbong ni Vein sa kambal niyang si Vial.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now