Chapter 19: Valentine Dance Part Two

743 19 1
                                    

Chapter 19: Valentine Dance Part Two

~•※•~

KEARN

"K.An..."

"MR. KUROGAWA, PLEASE JOIN US HERE ON STAGE."

Napalunok ako.

Andwae! 😫

"S-sige na... Pumunta ka na ng stage. Okay lang ako dito." sabi ko.

Pero deep inside....

"But you said..."
"Mas importante yung pumunta ka sa stage. Baka kung anong isipin nila sa yo." sabi ko.

"The hell I care about them." nakangisi niyang sabi sa kin.

"Choose another one. I prefer to sit here with my Angel." sigaw ni Loki sa emcee.

Napansin kong humagikhik si Genie at lumapit dun sa emcee. Nagtaka ako nang napahagikhik rin yung emcee.

Luh, anong meron?

Hindi umakyat sa stage si Loki kaya pumili na lang ng iba yung emcee.

"Bakit hindi ka umakyat dun? Sayang yung opportunity mo." sabi ko sa kanya.

"If I went up there, I might loose the biggest and the best opportunity in my whole life." sagot naman niya.

Luh, naintriga naman daw ako.

Nagsimula nang magsayawan ang mga tao sa gitna ng waltz nang tumugtog ang isang classical music.

Tinitingnan ko pa lang sila na ikit ng ikot, nahihilo na ako. Ano pa kaya kong ako na ang nandoon at nagsasayaw.

Luh, as if naman may mag-aaya sa king sumayaw dun. 😒

"Can I have a dance with my Angel?"

Napaangat ang tingin ko sa ngayon ay nakatayong si Loki. Nakalahad ang kaliwang kamay niya sa kin.

Luh, seryoso? 😱

Inabot ko yung kamay niya at naglakad kami papunta sa mga nagsasayaw.

"Marunong ka namang sumayaw di ba?" tanong niya habang inilalagay niya ang kaliwang kamay ko sa balikat niya.

"Nang-iinsulto ka ba?" nakangunot noong tanong ko.

Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong hapitin sa bewang at hilahin palapit sa kanya.

"Good." bulong niya sa tenga ko dahilan para mapalunok ako.

Nagsimula na kaming sumayaw kasabay nung iba pa.

"Loki..."

"Bakit?" tanong niya.

"Bakit ako?" tanong ko.

"Anong bakit ikaw?"

Medyo naiinis na ako sa lalaking to ha. Patay malisya pa siya. 😒

"Bakit ako ang nagustuhan mo. Ordinaryong baliw lang naman ako. May mga babaeng mas maganda, mas sexy mas mayaman, at galing sa kilalang pamilya naman diyan? Why settle with a loser like me?" tanong ko.

Binigyan niya ako ng isang ngisi at saka hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"You're definitely not a loser. And definitely not ordinary." sagot niya.

Binigyan ko siya ng Weh-Di-Nga look making him smile completely.

Luh, lumilindol ba? Ba't nawindang ako sa ngiti niya? 😵

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now