Chapter 24: Deal Effects

647 17 0
                                    

Chapter 24: Deal Effects

~•※•~

KEARN

"Oh My Ghad... Hindi talaga maprocess ng utak ko na isang Galatea si K.An." sabi ni RaphRaph.

Nagpunta kami sa private building ng tropang potchi. Ngayon ko lang to napuntahan at ngayon ko lang nalaman na may ganto dito sa loob ng school.

"Hindi talaga mapaprocess ng utak mo yan dahil wala ka naman talagang utak." sabi naman ni Cleinne na ikinatawa namin except kay Kuya Apollo.

Hayaan niyo na, sanay na ako na parang may sapi yan. Pareho silang dalawa ng epal na Loki na yun. 😒

"I didn't imagine that this war will be fun." napatingin kami kay Kuya Apollo.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Vial.

"Akala ko it's gonna be two houses against two." aniya.

"But it turned out to be na may back-up ang mga Black Daggers at Purple Jacks." nakangisi niyang sabi.

"At sinong maysabi sa yong sasali ako sa inyo?" tanong ko sa kanya na nagpawala sa ngisi niya.

"Are you telling me..."
"Pero hindi ibig sabihin nun na kaaway niyo ako." pagpuputol ko sa kanya.

"Nakausap ko na si Zoey Orocan. At payag siyang makipagcooperate sa plano ko." sabi ko kay Kuya Apollo.

"You mean Zoey Devousch?" tanong ni Kuya Apollo.

"Mas bet naming tawagin siya na Zoey Orocan." sabi naman ni Vein.

"Now, I'm gonna ask you Kuya Apollo. Are you willing to cooperate with me too?" tanong ko.

Tinitigan ako ni Kuya Apollo.

"Kailangan ko munang kausapin si Loki." sabi ni Kuya Apollo.

Napatingin silang lahat sa akin ng hampasin ko yung mesa.

"Walang magsasabi kahit sino kay Loki ng mga nalalaman niyo." seryoso kong sabi.

"K.An?" kinakabahang tanong ni RaphRaph.

Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"May mga bagay na ginagawa si Loki without me knowing. At ganoon din ako. He left me outside and secluded himself in his own plans. And so will I." sabi ko.

"Alam mo bang ginagawa ni Loki ang makakaya niya para manalo sa gyerang to na hindi ka napapahamak?" seryosong tanong ni Kuya Apollo.

"Yan kasi, akala niyo kasi mahihina lahat ng mga babae. Ina-underestimate niyo kami without knowing our capacities and capabilities." naiiling kong sabi.

Napansin kong nagbaba ng tingin sina RaphRaph at Cleinne.

"He's putting his life on the line for you." sabi ni Kuya Apollo.

"Anong tingin mo sa ginagawa ko? Di ba yun rin yun?" bwelta ko.

Napailing na lang si Kuya Apollo at napangiti.

"Then I'm in, 16th Head." sabi ni Kuya Apollo.

Nginitian ko siya.

"K.An lang po Kuya." sabi ko.

---

Matapos ang mini meeting namin nina Kuya Apollo ay naisipan kong puntahan ang bahay ng mga Kurogawa.

Inihatid ako nina Kuya Apollo dahil alam kong hindi ako papapasukin ng mga Black Daggers kung ako lang mag-isa ang pupunta.

"Sumunod po kayo sa kin." sabi nung babaeng mukhang Head ng mg maids.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now