Chapter 15: Wag Kang Ganyan

860 21 2
                                    

Chapter 15: Wag Kang Ganyan

~•※•~

KEARN

Umuwi na ako pagkatapos kong makipagchikahan kay Lala.

Nasa bungad pa lang ako nung pathway papuntang dorm nang napahinto ako.

Nakaupo ang galit na si Loki sa isa sa mga bench sa harap ng dorm namin.

Napaatras ako ng isang hakbang ng bigla siyang nagmartsa palapit sa kin.

Luh, ano na namang kinagagalit nito sa kin?

"Ba't ngayon ka lang umuwi? San ka ba naggagagala?! Alam mo ba kung anong oras na?!" sigaw niya kaya napapikit ako.

"Ngayon lang ako nakauwi kasi nakipagkwentuhan pa ko kay Lala. Galing ako sa dorm nila. Saka..." tumingin ako sa orasan ko

"6:45 PM na po Boss." pagtatapos ko sa mga sagot ko sa mga tanong niya.

"Alam mo bang kanina pa ako nag-aantay sa yo dito?! Alam mo din bang pinag-alala mo ko?! Akala ko kung napano ka na!" sigaw niya.

Napatayo ako ng tuwid at tiningnan siya ng diretso.

"Luh, tamo tong epal na to. Tatay ba kita, Kuya, pinsan o malayong kamag-anak? Kung makasermon ka diyan, tinalo mo pa yung pari sa Sunday mass sa lakas ng boses. Tsk Tsk Tsk. Gutom lang yan Ser." sabi ko sa kanya at tinapik ng dalawang beses yung balikat niya.

Ayokong umasa pero hindi ko mapigilang matuwa nang makita ko kung pano siya magalit sa pag-aalala.

"Luh, wag kang ganyan. Baka ipapana kita kay JiDwi at SunWoo." bubulong bulong na sabi ko pagkapasok ko sa kwarto ko.

---

Pagkatapos kong gawin ang mga homeworks ko ay pinatay ko na yung ilaw.

Hihiga na sana ko nang biglang may kumatok sa pinto ko.

"Luh, sino naman to?" tanong ko saka lumapit sa pinto.

Luh, wrong timing naman oh! Antok na kaya ako!

Bahagya ko iyong binuksan at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatayo doon si Loki.

"Anong kailangan mo sa kin Boss? Matutulog na sana ako kung hindi ka lang umepal." mahina kong sabi.

"Hindi ako makatulog." sagot niya na ikinataas ng isa kong kilay.

"Oh tapos? Problema mo na yun Chief. Geh, Good night."

Isasarado ko na sana yung pinto pero hinarang niya iyon gamit ang kanang paa niya. Dun ko napansin na wala siyang sapin sa paa kahit tsinelas man lang.

Luh, maaga tong rarayumahin, tamo.

"Diyan ako matutulog." sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Luh, anong nalaklak nito?

"Luh, di pwede. Once is enough. Abuso ka eh. May kwarto ka naman kaya dun ka. Gooo!" sabi ko saka sinipa yung paa niya palabas pero pinalit niya naman ang kanang braso niya.

"Luh, inaantok na ko Ser. Alis na!" sabi ko sa kanya.

"Diyan ko gustong matulog." sabi niya.

Luh, ang kulit naman nito.

Pinilit kong isara yung pinto pero pilit naman niyang binubuksan.

Malapit ko na sanang maisara yung pinto nang biglang may lamok na kumagat sa leeg ko.

Devil Behind MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon