Chapter 17: A Dress Suited for the Devil's Angel

790 16 0
                                    

Chapter 17: A Dress Suited for the Devil's Angel

~•※•~

HANA

Dumaan ang Sabado't Linggo na hindi ko nakita maski anino man lang ni Loki.

Idineklarang walang pasok ngayon dahil busy ang lahat sa pag-aayos para sa Valentine Dance. Pwera na lang sa akin na chill chill lang.

Siguro busy ang isang yun. Mantakin mo bang maging Presidente ng SSG, ng klase namin at ng Dorm namin. Luh, siya na talaga.

Nagpatuloy lang ako sa pagkukulay nung nabili kong coloring book habang nakikinig ng kpop songs. Mabuting pampatanggal stress to.

Bigla akong nakarinig ng katok sa may pinto ko kaya tumayo ako para buksan yun. Pagkabukas ko ay nakatayo roon sina Lala, Hailee at Genie.

"Busy ka friend?" nakangiting tanong ni Lala.

"Hindi naman. Ano bang meron?" tanong ko habang umaatras para makapasok sila sa loob.

Agad naupo si Genie sa higaan ko habang lumapit naman si Hailee sa mesa ko.

"Uy, ano to?" napalingon ako kay Lala na nasa harapan ng salamin ko hawak hawak yung T-Shirt ni Loki na nakahanger.

Bigla kong hinablot yun sa kamay niya at tinago sa likod ko.

"Luh, wala to." sagot ko.

Pinaningkitan ako ni Lala ng mata at nameywang.

"I am 100% sure na kay Loki yung damit na yun K.An." sabi niya na ikinalunok ko.

"Oh Em Gee! Don't tell me---"
"Aish! Naiwan lang to dito nung epal na yun nang minsan siyang mag-sleepover dito, okay?! Walang malisya!" sabi ko.

"Weh? Walang nangyari? Di ka ginapang ng pinsan ni Lala?" tanong ni Genie na ikinalaki ng mata ko.

"Wala ngang nangyari! Ang kulit niyo!" nakapout kong sabi.

"Okay. Sabi mo eh." sabi naman ni Lala na parang hindi naman talaga naniniwala.

"Guuuh, wala daw. Eh ano to?!" sigaw ni Hailee na tinuturo yung corkboard sa may mesa ko.

"I enjoyed your company last night. Thanks to you I slept well again for the second time. Don't forget to get the mails from the guard's post and bring them to my office before you come to class. P.S. I love you. Remember that three word sentence Angel." pagbabasa ni Hailee at Genie ng sabay saka sila nagtititili.

"Aigoo, hindi kinaya ng heart ko." sabi ni Hailee.

"Same here, same here." sabi naman ni Genie na pinapaypayan yung sarili niya.

Luh?

"So nagkaaminan na pala kayo? Kaya naman pala may 'wae nae mameul heundeuneun geonde' kang nalalaman kahapon." sabi ni Lala na ikinaface palm ko.

"Ano ba talagang kelangan niyo sa kin?" pag-iiba ko.

"Aayain ka sana naming lumabas para bumili ng susuotin sa Valentine Dance." sagot ni Lala.

"May susuotin na ako. Yun oh." sagot ko saka tinuro yung baby blue na cocktail dress na nakasabit sa gilid ng cabinet.

"Seriously K.An? Yan ang susuotin mo? Anong pupuntahan mo, birthday party?" nakataas ang kilay na tanong ni Genie.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now