Chapter 27: Fallen Angel

690 12 0
                                    

Chapter 27: Fallen Angel

~•※•~

KEARN

'Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you I will just look up
I know the stars are holding you, holding you, holding you tonight' 🎶

Napamulat agad ako and pain suddenly enveloped my system.

Luh, ba't ko napanaginipan yung demonyong yun? TAE! 😤

"Oh, gising na ang ilusyunada!"

Napataas ang kilay ko.

Seriously?

"Wala ka ring kadala-dala eh no?" tanong ko kay Paris the Immortal Living Boobs.

"No. But I came prepared this time." aniya at tumingin sa baba.

Dun ko napansin na nakatali ako sa upuan gamit ang bulbed wire.

"Tingnan lang natin kung makawala ka pa diyan." nakangisi niyang sabi.

"Nasa yo na si Loki. Ano pa ba ang kailangn mo sa kin?" malamig kong tanong.

"As long as you're breathing, hindi ako makakampante. So, you need to die." aniya at ngumisi ng masama.

"Boys, you know what to do." aniya saka naglakad papunta sa may pinto.

Ngayon ko lang napansin na nasa loob ako ng isang kwarto kasama ng apat na lalaking may mga pamalo.

Humanda ang babaeng yun sa kin oras na magkita ulit kami.

-----

LALAINNE

"Wala talaga eh." sabi ni Hailee.

"K.An naman... Nasaan ka na ba?" tanong ni Raphael at sumilip sa ilalim ng isang nananahimik na bato.

Binatukan siya nina Cleinne at Dylan.

"Hindi niyo pa rin ba siya nahahanap?" tanong ni Genie na kararating pa lang at hinihingal.  Kasama niya sina Apollo at Mark.

Umiling kami.

"I called my men. Pinakalat ko na sila sa buong siyudad para mapadali ang paghahanap natin sa kanya." sabi naman ni Apollo.

"Uh-oh, may masamang demonyong papalapit." bulong ni Hailee.

Napalingon kami sa direksyon na tinitingnan niya.

"Wow. Kapal ng mukha natin insan ah." malamig na sabi ko.

"What?" naguguluhan niyang tanong.

"Aish. Wag niyo yang pag-aksayahan ng oras. Mas mabuti pang maghiwa-hiwalay ulit tayo nang mahanap na natin si K.An." sabi ni Raphael.

"Wait, what happened to her?" tanong ni Loki na ikinataas ng kilay ko.

Wew, concerned? 😒

"Kunware concerned siya. Sus... " bulong ni Genie.

Magsasalita sana si Loki pero hindi natuloy dahil may sumisigaw na babaeng papalapit sa min.

"Kuya!!!"

"Dauntless?" sabay na sabi ni Raphael at Cleinne.

Ah~ Eto siguro yung sinasabi ni Cleinne na kapatid niyang nawalay sa kanila 15 years ago.

"Kuya, nakita ko si Ate K.An! Kinidnap siya! Nung babaeng boobs! Shet Kuya! Kapagod tumakbo! Hinabol ko yung mga lecheng yun! Naka-van sila, samantalang nakabike lang ako, pakshet!" putol putol niyang sabi.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now