Chapter 12: Paasa, Pa-Fall o Epal, San Ka Sa Tatlong Yan?

958 20 2
                                    

Chapter 12: Paasa, Pa-Fall o Epal, San Ka Sa Tatlong Yan?

~•※•~

KEARN

Hindi ko alam at talagang nawiwierduhan na ko sa sarili ko dahil magmula pa kagabi ay hindi na mabura sa mukha ko ang isang ngiti.

ANO BANG NANGYAYARI SA KIN?! MAY SAKIT NA BA AKO SA PAG-IISIP KAYA AKO NAGKAKAGANITO?? LUH, WAG NAMAN SANA. (ಥ_ಥ)

Papasok na sana ako ng room ng makasalubong ko si Loki sa may pinto.

"Good morning Boss." nakangiti kong bati.

Tiningnan niya lang ako habang ibinubulsa ang kanang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya saka ako nilagpasan.

Luh?

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"LUH?"
"Anong problema nun?"

Napalingon ako kay Lala na nakasilip sa pinto gaya ko.

"Kani-kanina lang ngiti ng ngiti ang mokong na yun. Tapos bigla na lang--- Teka, nag-away ba kayo?" tanong niya sa kin.

"Luh? Bati na nga kami eh!" sagot ko.

Umayos ng tayo si Lala at hinimas ang imaginary bigote niya.

"Hmmm, ano kayang dahilan ng pagiging moody ng pinsan ko ngayon?" tanong niya.

Luh, matagal na yang ganyan nagtaka ka pa. →_→

---

Pagkatapos ng last morning subject ko ay dumiretso ako sa gymnasium dahil ipinapaayos sa kin ni Master Loki yung mga equipments sa storage room ng gym. Kasama ko si Lala dahil may gusto siyang ipakilala sa kin. Mga ka-club daw niya.

Pagkapasok namin sa gym ay may sumalubong sa min na dalawang babae. Yung isa ay ngiti ng ngiti samantalang yung isa naman ay parang ang sungit.

"K.An, This is Hailee and Genie. Guys, si K.An." pagpapakilala ni Lala.

"Hello K.An!" bati ni Hailee sa kin. Siya yung babaeng ngingiti-ngiti sa kin.

Napansin niya ata ang katabi niya na tinatarayan ako kaya siniko niya ito.

"Yah." daing ni Genie.

"Umayos ka gurl." nanggigigil na sabi ni Hailee.

"Annyeonghaseyo, Kearn Angella Nam imnida." sabi ko na lang saka ako nagbow sa kanila.

"Teka, koreana ka?" gulat na tanong ni Genie.

Marahan akong tumango.

"Oh Em! Koryana din tong si bebeh G!" masayang sabi ni Hailee na nagpapapalakpak pa.

"Hwang Ji Young. Genie na lang. Pasensya na kung tinarayan kita kanina. Na-insecure lang ako sa beauty mo." sabi niya at nagbow sa kin.

Luh, may dapat bang ika-insecure siya sa kin?

"Ahmm, excuse me..." napalingon kami sa kaliwa namin.

May dalawang lalaki roon at may hawak-hawak yung isa na red rose.

"M-Miss K.An." sabi nung lalaki.

Luh?

"Bakit?" tanong ko.

"P-para sa yo." aniya at iniabot sa kin yung pulang rosas.

Kinuha ko yung rosas.

"Bakit mo---"
"Pwede ba kitang maging date sa Valentine Dance?" diretsa niyang tanong sa kin.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now