Chapter 6: Messi

1.1K 22 0
                                    

Chapter 6: Messi

~•※•~

KEARN

Napayakap ako ng mahigpit sa unan ko nang makaramdam ako ng lamig.

Naririnig ko ang malakas na ulan sa labas. At kapag ganitong maulan, ang sarap matulog.

Naramdaman kong may nagtanggal sa pagkakayakap ko sa unan ko at bigla itong nawala sa tabi ko. Magrereklamo sana ako pero biglang may yumakap sa kin at hinila ako palapit sa kanya.

Nawala ang panlalamig ko kaya niyakap ko siya pabalik.

Luh, kelan pa ako nagkaroon ng ganitong unan? Niregaluhan ba ako in advance ni Santa Claus ng hugging pillow?

Naramdaman kong may mga binting pumulupot sa kin.

j@h#g$f%d&s*a

Pusang gala, masama ang pakiramdam ko dito. Hindi na ako nag-isip pa at dahan dahan akong lumayo sa kayakap ko.

Napamulat ako nang bigla akong hilahin pabalik at niyakap ng mahigpit nung 'hugging pillow' ko kuno.

A to the G to the U to the STD!

"LOKI?" bulalas ko na ikinamulat ng mata niya.

Luh, anong ginagawa niya rito? Tsaka, pano ako napunta rito?

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa kin at naupo.

Dun ko lang napansin na wala siyang suot pangtaas!

asdfghjkl

Luh, wala naman siguro siyang ginawang masama sa kin no?!

Napatingin ako sa damit ko at halos lumuwa ang mata ko nang makita kong hindi iyon ang suot ko kahapon. At asdfghjkl HINDI AKIN ANG MGA TO!!!

"Sinong nagpalit sa kin?" tanong ko sa kanya.

May suot na siyang T-Shirt ngayon at nakatayo siya malapit sa pinto habang nakatingin lang siya sa kin na akala mo ay parang wala lang ang lahat sa kanya.

"Ako." kaswal na sagot niya na ikinasinghap at ikinalaki ng mata ko.

Napayakap ako sa sarili ko. Luh, minanyak ba ako ng lalaking to?

"N-Nakita mo?" nauutal na tanong ko.

Luh, pano kung oo? Magbibigti na ba ako?

Naupo siya sa harap ko at nginisihan ako ng maala-demonyo.

"Nakita mo na naman ang buo kong katawan. So walang masama kung makita ko yung sa yo." nakangisi niyang sabi na ikinayakap ko sa sarili ko ng mas mahigpit.

Nalukot ang muka ko at pinaghahampas ko ang balikat niya.

"Shit!" sigaw niya habang sinasalag niya ang mga hampas ko.

"Tang juice drink ka! Hindi na ako makakapag-asawa ng dahil sa yo." naiiyak kong sabi saka ako napaub-ob sa kumot ko.

"Tsk. Kung magkaganun man, eh di tayo na lang." sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Luh, anong sabi mo?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin na ikinalunok ko. Ngumisi siya at itinapat ang bibig niya sa tenga ko.

"Tutal hindi na rin ako makakapag-asawa dahil nakita mo na rin ang lahat lahat sa akin, tayo na lang kayang dalawa, what do you think?" sabi niya na ikinaatras ko.

"Luh, siya oh. Joke lang yun. Nakiride naman siya agad." sabi ko.

Binigyan niya lang ako ng smug look.

Devil Behind MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon