Chapter 21: Poison

723 20 0
                                    

Chapter 21: Poison

~•※•~

KEARN

Pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi ko na makita at mahagilap pa si Loki.

Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Hindi rin daw siya umuuwi sabi ni Ate Gwen.

Tinext ko si RaphRaph, pero hindi niya alam kung nasaan si Loki bukod sa gwapo pa rin siya. 😒

Pinakiusapan kong tawagan ni Lala ang bahay nina Loki, pero wala daw siya doon.

Sinubukan ko siyang hanapin kay Ate Remi, pero wala rin si Ate Remi sa SSG Office.

Luh, asan ba kasi siya?!

Hindi ba obvious na nag-aalala ako?! 😫

"Stop worrying friend. Alam naman nating Bloody Election ngayon. Syempre busy sila." rinig kong sabi ni Genie.

Nakatambay kami ngayon sa rooftop at nakasandal kami ngayon sa railings.

Sumimangot ako sa sinabi niya.

Aigoo... Kasalanan kasi ng mga elders to eh.😥

Pero kung wala ang Bloody Election, malamang everyday puno ang mga morgue sa Pinas. 😒

"Pero mag-iisang linggo nang hindi siya nagpaparamdam." naiiyak kong sabi.

Namimiss ko na ang moody kong Boss. 😭

"Ay friend! Before ko makalimutan. Ipinapabigay nga pala ni insan." sabi ni Lala.

Napatakbo ako sa direksyon niya.

May ibinigay siya sa king puting envelope.

"Hindi niya maibigay sa yo ng personal kasi busy talaga siya." sabi naman ni Lala.

"Okie lang." sabi ko sala binuksan yung envelope.

ASDFGHJKL!

"BIRTHDAY?! BIRTHDAY NIYA BUKAS?!" sigaw ko.

"Hinay hinay friend. May iba pa pong mga tao dito." sabi ni Hailee.

"Ba't walang nagsabi sa kin?" tanong ko.

"Nagtanong? Nagtanong?" sarkastikong sabi ni Genie.

Sabi ko nga. 😒

Pero, anong ireregalo ko?!

WHAT TO DO?! 😭

-----

Nasa harap na kami ng mansion or should I say, palasyo nila Loki.

Ready to enter na kami nang biglang humarang ang isang lalaki sa harap ko.

"Ms. Nam, ipinabibigay po ni Master Loki." sabi niya.

Kinuha ko yung papel na ibinigay niya.

REMEMBER, YOU HAVE A DEAL WITH THE DEVIL.


Bigla akong kinabahan.

May masamang nangyari. I'm sure of it.

Tinupi ako ang papel at inilagay sa pouch ko.

Pumasok na ako sa loob.

Hinanap ko sina Lala at nakita kong nasa isang table sila kasama ng buong Tropang Potchi ni Loki.

"Hi Tropang Potchi ni Sir." bati ko sa kanila.

Nangunot ang noo ni Kuya Mark habang nagtaas ng kilay si Kuya Apollo. Pero itong si RaphRaph, tuwang tuwa sa itinawag ko sa kanila.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now