Chapter 11: Peace Offering

981 20 1
                                    

Chapter 11: Peace Offering

~•※•~

KEARN

Luh, gumaganti nga ata ang siraulo kong master.

Buong maghapon ko siyang kinukulit pero ang loko, ayaw patinag sa beauty ko.

Luh, ano bang dapat kong gawin para magkabati na kami?

Hmmm. Peace offering?

Nag-away kami ng dahil sa choker. Eh kung regaluhan ko rin kaya siya ng choker? Luh wag na lang uy, baka mag-away lang ulit kami.

Hmmm...

Argggh... Ba't wala akong maisip?! Bahala na nga mamaya.

Nagpunta ako ng gate at hinarang ako nung mga guards.

"San po kayo pupunta Miss?" tanong nung isa.

"Sa labas ho. Bibili po ako ng sewing materials saka school items." sagot ko.

"May President's Approval Note po ba kayo?" tanong nung isa.

Luh, ano yun?

"Ano po yun?" tanong ko.

May kinuhang papel yung isang guard sa loob guard post at ibinigay sa kin.

"Papirmahan mo yan sa Student Council President."

Luh, pano yan eh not in good terms kami nung epal na President?

"Ah, eh, pwede ho bang sa VP ako magpasign? Not in good terms po kasi kami nung President." sabi ko.

Nagkatinginan silang dalawa.

"O sige." sagot nila na ikinangiti ko.

---

Patalon talon akong pumunta sa Supreme Student Government Office hawak ang papel na ipapasign ko kay Ate Remi.

Buti na lang kilala ko siya kasi kung hindi, baka nagdadalawang isip akong lumabas ng school ngayon.

Pagkapasok ko sa Office nila ay napatingin silang lahat sa akin.

Luh, artistahin na ba ako ngayon? 〒▽〒

Nilibot ko ang paningin ko kung nandito ba si Loki. Nang hindi ko masagap ang aura niya ay dumiretso ako sa mesa ni Ate Remi.

"Good afternoon Ate. May papapirmahan lang po sana ako." maamo kong sabi saka ibinigay sa kanya ang hawak kong papel.

"Angel, anong purpose mo sa paglabas?" tanong ni Ate Remi habang sinusulatan yung papel.

"Bibili lang ho ako ng sewing materials saka ilang school items. Pramis po, hindi po ako magpapagabi!" sabi ko raising my right hand.

Nginitian ako ni Ate Remi at pinirmahan ang papel na binigay ko.

Ibibigay na sana niya sa akin yun kung wala lang sanang epal na humablot dun.

"You're going out of KIA?" seryosong tanong ni Loki na nakatingin sa papel.

"Oo may---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinunit niya yung papel na ikinanganga ko.

Luh, abnormal na epal to! (ಥ_ಥ)

Nalukot yung mukha ko at tiningnan si Ate Remi.

"Don't give her any of those forms and don't freaking sign them Ate Remi." sabi ni Loki na ikinabuntong-hininga ni Ate Remi.

"Sorry White Angel, utos ni Pres, wala akong magagawa." malungkot na sabi niya.

"Luh, okay lang Ate. Pasensya na kung naistorbo pa kita." nginitian ko lang siya saka ako bahagyang nagbow.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now