Chapter 22: Galatea

718 21 0
                                    

Chapter 22: Galatea

~•※•~

KEARN

Imbis na bumalik sa KIA ay napagtripang pumunta nina Lala sa bahay ko.

Wala akong nagawa dahil medyo nahilo ako dun sa lasong nilaklak ko.

The last time I drank poison was when I was 17 kaya medyo naninibago pa ata yung katawan ko.

"Anong sekreto mo at nakaya ng katawan mo ang isang basong matapang na lason?" tanong ni Genie.

"Simula pagkabata, sinubukan ko na ang iba't ibang lason kaya immuned na ako." sagot ko.

Nanlaki ang mga mata nila sa sagot ko.

"Nakicreep out na talaga kami sa yo friend." komento ni Hailee na ikinatawa ko.

"Diyan lang po kami sa may kanto Kuya." sabi ko sa taxi driver.

"Bakit dito tayo huminto K.An?" tanong ni Genie pagkababa namin.

"Maglalakad lang tayo papunta sa min. Hindi kasi pwede ang taxi sa loob." sagot ko.

Nagsimula na kaming apat na maglakad.

"Tae, K.An... May sumusunod sa tin." sabi ni Hailee.

"Hayaan mo lang siya." sabi ko.

"Ha?"

Biglang may sumalubong sa ming mga lalaking naka-itim dahilan para magpunta si Hailee sa likod naming tatlo.

"Mga Galatea." usal ni Genie at Lala.

"Lagot na tayo mga bes. Balwarte ata ng mga Galatea ang lugar na to." sabi naman ni Hailee.

Biglang nagsilihuran ang mga lalaki kaya nagkatinginan silang tatlo.

May lumapit sa aming medyo matandang lalaki.

"Ako po si Dionne Franklin. Ang butler ni Master Yunju. Welcome back Mistress SeoYeon." aniya at nagbow.

"Welcome back Mistress SeYeon!" sigaw ng mga lalaki.

"Aishhh, natutulog na yung mga kapitbahay, ano ba kayo!" taranta kong sabi.

Napalingon naman silang tatlo sa kin.

"SeoYeon?" tanong nilang tatlo.

"Ah, Hehe..."

Gumawa ng madadaanan yung mga lalaking nakaitim.

"Dito po tayo." sabi ni Dionne.

"Kailangan mong magpaliwanag K.An." sabi ni Lala.

"Opo." sagot ko.

Pumasok kami sa malaki naming gate.

"Wow, first time kong makatapak sa bahay ng mga Galatea." usal ni Hailee.

"Malamang. Eh sa ngayon lang tayo nakakilala ng Galatea." sabi naman ni Genie.

Pumasok kami sa mansion (Char!) namin. Nadatnan namin sa may living room si Harabeoji.

"Harabeoji!" tili ko saka nagtatatakbo papunta sa kanya.

"Namiss kita ng sobra!" nakangiti kong sabi.

"Me too SeoYeonie." nakangiti niyang sabi.

73 years old na ang lolo ko pero mukhang nasa early 50s pa lang ang hitsura niya.

Ganyan talaga siguro basta koreano. 😂

Hindi man siya makapagtagalog ay naiintindihan naman niya ako. Never pa kasi akong nakipag-usap sa kanya ng straight na English at Korean mula pagkabata. 😂

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now