Chapter 3: Gabi ng Kababalaghan

1.2K 26 1
                                    

Chapter 3: Gabi ng Kababalaghan

~•※•~

KEARN

Nag-iinat akong naglakad pauwi ng dorm.

Pagkatapos kong tulungang maghugas si Ate Zenny ay pinapauwi na raw ako ni Loki.

Buti naman at maging Loki-free na ang gabi ko.

Pagkarating ko ng dorm ay binati ako ni Ate Gwen, ang Dorm caretaker ng Black Dorm.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay nagbihis agad ako. Hihiga na sana ako nang biglang tumunog yung cellphone ko.

Pagtingin ko ay Unknown Number kaya hindi ko na lang iyon pinansin.

Luh, baka manggagatso lang yun.

Pagkaraan ay tumunog ulit iyon pero maikli lang. Meaning may dumating na text.

Tiningnan ko iyon at galing iyon sa Unknown Number na tumawag kani-kanina lang.

FROM: Unknown Number

Pick your goddamn phone slave!


Halos lumuwa yung mata ko nang mabasa iyon.

Luh, pano niya nalaman ang number ko? Stalker ba siya?

Napatalon ako ng biglang tumunog yung phone ko.

Calling Unknown Number...

Luh, sasagutin ko ba?

'Sagutin mo kung ayaw mong gilitan kita ng leeg!' naiimagine ko ang posibleng itsura ngayon ni Loki.

I shooed that thought away at sinagot yung tawag sabay lunok.

(Ba't hindi mo agad sinagot yung first call ko?!) sigaw niya kaya medyo inilayo ko yung phone ko sa tenga ko.

Luh, yung eardrum ko nabutas ata.... (╥_╥)

"Chill boss. Unknown Number eh. 'Lam mo naman, Eomma told me not to talk to strangers." sagot ko.

(Fuck your stupid reason slave!) sigaw niya.

Pinagsasapak ko yung unan ko sa inis ko sa kanya.

"Ano pong kailangan ng Mahal na Hari at napatawag siya sa maganda niyang alipin?" sarcastic kong tanong.

(Puntahan mo ko dito sa locker room sa gym ng school.) sabi niya.

"Ser, pwede ho bang bukas naman? Pagod na po akong kakalinis." reklamo ko.

(Pupunta ka ba rito o gigilitan kita ng leeg?!) sigaw niya.

"Joke lang Chief. OTW na nga eh." sabi ko saka lumabas ng kwarto ko.

(You only have 5 minutes slave or else....) sabi niya saka ibinaba yung phone niya.

Grrr...

Patience K.

Ibinulsa ko ang cellphone ko at tumakbo na papuntang school gym. Medyo malayo kasi yung school premises sa mga dorms.

"Luh, pasalamat ka talaga at maganda ako." hingal na hingal kong sabi nang nasa pintuan na ako ng school gym.

Pumasok ako at dumiretso sa locker room ng gym.

"Seeeeer?!" sigaw ko.

"Slave!" may sumigaw sa bandang kaliwa ko which is ang CR ng mga lalaki.

Napalunok ako.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now