Chapter 30: The White Devil and The Black Angel

908 17 0
                                    

Chapter 30: The White Devil and The Black Angel

~•※•~

KEARN

Parang kelan lang, inaapi-api ako nitong si Loki.

Sinong mag-aakalang magkakagusto ako at pakakasal sa demonyong yun? 😂

Pero sa totoo lang kung pababalikin man ako sa nakaraan, pipiliin ko pa ring sa KIA mag-aral, na sa likod pa rin ako ni Loki uupo at magustuhan ko ang lalaking yun. Sa kabila ng mga nangyari, mas gugustuhin ko pa talagang kay Loki pa rin ang bagsak ko.

"Oh, ano na namang iniemote-emote mo diyan?"

Automatic akong napangiti nang marinig ko ang boses na yun.

"Wala lang naisSHIT! ANONG NANGYARI SA YO?!" sigaw ko nang makita ko ang mukha niyang tadtad ng maraming kolorete.

"Buwesit yang kambal na yan ha. Ginawa akong guinea pig sa produkto nila." iritadong sagot ni Loki.

Wait, tama ba ang nakita ko kaninang umirap siya?

Napailing na lang ako't agad na kinuha ang wipes malapit sa min. Lumapit ako sa kanya at dahan dahang pinahid yung mga nakadrowing sa mukha niya.

"Hindi naman siguro permanente tong inilagay ng dalawang yun, tingin mo?"tanong niya.

"Huwag kang mag-alala. Pag nasira yung guwapo mong mukha eh magdasal-dasal na yung dalawang yun." sagot ko sa kanya habang nagko-concentrate sa paglilinis nung kanang pisngi niya.

Todo linis ako sa mukha niya hanggang sa ang natitira na lang ay ang mga labi niyang may lipstick.

"Ahhh." utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.

"K.An." aniya nang pinahid ko yung lipstick.

"Shhh. Wag kang magulo meron pa." sita ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagpapahid.

Nang marapos ako ay nakangiti kong pinagmasdan ang ngayong malinos nang mukha ni Loki.

Napansin kong seryoso siyang nakangiti sa kin na ikinawala ng ngiti ko.

"Anong problema?" ngunot-noong tanong ko.

Lumapit siya sa kin at naramdaman kong pumulupot sa bewang ko ang kaliwang kamay niya.

"Loki?" tanong ko ulit sa kanya.

Hinawakan niya ang panga ko at iniangat iyon hanggang sa nakaharap na sa mukha niya ang mukha ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon, alam mo ba yun?" aniya habang tinitingnan ang buo kong mukha.

Ibubuka ko sana ang bibig ko para magsalita pero isinara ko iyon pabalik dahil biglang nawala ang gusto kong sabihin nang makita ko ang naggigilid na mga luha sa mga mata ni Loki.

Seryoso?

"I mean, I do not deserve you. You're an amazing person... and to think that I marry that person... I'm a lucky bastard." aniya at bigla akong niyakap ng mahigpit.

Hindi ako agad nakapagsalita sa gulat. Pero nang maka-recover ako sa shock ay niyakap ko rin ng mahigpit si Loki.

"Kaya umayus-ayos ka Loki Kurogawa ha? Makakatikim ka sa kin pag di ka nagtino." joke ko sa kanya.

Naramdaman kong mas isiniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Yes Ma'am." sagot niya.

Napangiti ako at marahang hinaplos ang likod niya.

Devil Behind Meजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें