Chapter 29: House of the Black Phoenix

742 17 0
                                    

Chapter 29: House of the Black Phoenix

~•※•~

KEARN

This is the day, this is the day~
This is the day that---

"Huuuy, tara na gurl. Malelate tayo sa katutunganga mo diyan fwend eh."

Napabalik ako sa realidad nang sikuhin ako ni Hailee.

"Ba't bigla ka atang kinabahan diyan K?" komento naman ni Genie.

"Luh, eh first time ko kayang mamimeet ang buong Underground Society. Malamang nervous is me." sagot ko.

"So uwian na ba this?" tanong ni Lala.

"NOOO!" sigaw ko na nanlalaki ang mga mata.

"Oh eh di tara na." sabi naman ni Genie at nauna nang lumabas ng van.

Luh, kaya ko to!

Para sa kinabukasan ng future family ko! Weh, agad agad? 😒

Hwaiting!!! 🙏

---

THIRD PERSON'S POV

Sa loob ng bulwagan kung saan nagtitipon-tipon ang mga members ng iba't ibang mga Houses ay inis na naka-upo si Loki habang nakamasid sa mga naroon.

Matalim na mga titig ang ibinibigay ng tatlong main houses sa mga kalaban nila.

Isang makahulugang ngisi ang ibinigay ni Fred nang mapatingin sa gawi niya ang paningin ni Loki.

Nainis rito ng husto si Loki kaya napatayo siya.

Eksakto namang pumasok si Lalainne sa bulwagan at lumapit sa grupo ng mga Black Daggers.

"The game's gonna start any minute soon." saad ni Lalainne sa House members ng Black Daggers.

Naupo si Loki and crossed his arms.

"We will win this game no matter what." mariing sabi ni Loki na ikinangiti nina Lalainne at ni Haruma.

Nagsipasukan na ang mga House members ng Black Galatea. Huling pumasok sina K.An at ang pamilya niya na ikinagulat ng halos lahat lalong lalo na nina Fred at Paris.

"Since nandidito na ang lahat ng mga Houses, tapos na ang Bloody Election at magsisimula na ang Royal Election."

---

KEARN

ASDFGHJKL

Ganito pala karami ang mga kasali sa Underground Society.

Nesfrutang Dalandan, mas kinabahan pa ako ngayong nandito na ako sa loob.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong magkatabi sina Lala, Kuya Apollo at Loki.

Kinawayan ko si Lala ng bongga na ikinalingon sa kin ng ilang mga members ng iba't ibang Houses.

Luh, mga pakialamero. 😒

Nakita kong ngumiti si Loki at biglang nabawasan ang kaba ko.

Wew, kaya ko to. Andyan ang ehem~ ASAWA ko mga pre kay kailangang tibayan ang loob at tatagan ang sikmura.

"I will now present the challengers. The Western House of Red Dragon and The Southern House of Blue Paladin." sabi nung mukhang referee.

Referee talaga eh no? 😂

Nagsitayuan ang mga House members nung lalaking marami ang tattoo na si Fred at ang mga House members nina Paris-The-Living-Boobs na ngayon ay nakasaklay na naman.

Devil Behind MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon