Chapter 25: Surprise, Surprise, Surprise

653 15 1
                                    

Chapter 25: Surprise, Surprise, Surprise

~•※•~

KEARN

"Gurl, ano bang ginagawa natin dito? Last time na nagpunta tayo sa party dito sa mansion ng pinsan mo ay nilason tong si K.An." sabi ni Hailee kay Lala.

Oo, andito na naman kami sa mansion ng mga Kurogawa dahil may invitation na pinadala sa aming apat.

Nakita ko kanina ang Tropang Potchi v.2 kaya meaning, may kinalaman to kay Loki.

Namataan ko si Mr. Kurogawa kaya napatalikod ako.

Luh, san na napunta yung stock ng kapal ng mukha mo K?! 😶

"Oh shyet! I smell something funny here guys." rinig kong sabi ni Lala na ikinalingon ko sa direksyon na tinitingnan niya.

Nakita ko ang nakasaklay at nakabendang si Paris the Boobs.

"Anyare sa babaeng yan?" tanong ni Genie.

Napangiti ako ng wala sa oras. Ang galing ko talaga. 😂

"Ladies and gentlemen, thank you for coming to this special event. I want to thank you for your support on my engagement with Loki." nakangiting sabi ni Paris.

Narinig kong napamura si Genie habang napa-OMG naman si Hailee. Naramdaman kong may humawak sa kaliwa kong braso.

"K?" tanong ni Lala.

Eto na ba? Eto na ba ang sinasabi niyang ganti niya sa akin?

Napatingin ako sa banda nina Loki. Bakas ang gulat sa mukha niya at ng tatay niya.

Napangisi ako.

Pathetic. Tama nga si Lala. Ilusyunadang desperada nga talaga si Paris the Boobs.

"And to make things clear, I invited someone who hinders our engagement."

Bumaling sa kin ang spotlight na ikinataas ng kilay ko.

Napatingin sa kin ang mga tao.

"Problema niyo sa kin?" tanong ko at nagsimula silang magbulong-bulungan.

"Fusa! Sapakin kong mga to eh!" rinig kong sabi ni Genie.

My gaze went back to Paris the Boobs.

"O, gumanda ka na niyan?!" sigaw ko.

Lihim akong napangiti nang nawala ang ngiti sa mukha niya.

This may be your engagement party betch. Pero sa akin nakipagkasundo ang diablo. 😏

"She's a monster! She did this to me knowing na ako ang pinili ni Loki!" sigaw niya.

Napairap na lang ako sa inis.

"Luh, may naririnig kayong nagsasalitang boobs?" tanong ko.

Narinig kong may nagtawanan sa isang banda at nangingibabaw dun ang tawa ng baliw na si RaphRaph.

"You bitch!" biglang bumaba si Paris sa makeshift na stage at sinugod ako.

Sasampalin niya sana ako nang may pumigil sa kamay niya.

"Lay a single finger on her and I'll kill you." seryosong sabi ni Loki.

Sa likod niya ay ang tatay niya na mukhang galit na galit.

"SeoYeonie?"

Napalingon ako sa kanan at talagang nanlaki ang mga mata ko.

"Eomma?! Appa?!" tanong ko.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now