Chapter 10: Cold War

974 22 1
                                    

Chapter 10: Cold War

~•※•~

KEARN

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaiisip sa nangyari sa choker na bigay ni Lala.

Nagiguilty ako dahil wala pang isang araw ay nasira ko na yung bigay niya.

Mabigat man sa pakiramdam ay pumasok pa rin ako.

Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ng nakangiting si Lala. Peto nawala ang ngiting iyon nang makita niya ang hitsura ko.

"Hala K.An! Nainffect ka ba nung zombie virus sa Train to Busan?" nag-aalalang tanong niya sa kin na ikinangiti ko.

"Brainsss." sabi ko at nag-ala zombie.

Pero mukhang hindi effective ang joke ko kaya naglakad na ako papuntang desk ko.

Napansin kong nandoon na si Loki at nakatingin siya sa kin.

Luh, di kita bati. (`^´)

Naupo ako sa upuan ko habang naupo si Lala sa harap ko.

"Ayos ka lang ba K? Ang putla mo, ang laki ng eye bags mo, namamaga yung mga mata mo. Sabihin mo nga, nakadrugs ka ba?" tanong niya.

Nginitian ko lang siya saka ako umiling.

"Pinanood ko kasi ulit kagabi yung first two episodes ng Hwarang." pagsisinungaling ko.

"Aishhh maaga kang mamamatay ng katothrowback sa first episode ng Hwarang tamo." biro niya.

"Di bale, next time puro scene na lang ni Taehyung oppa ang panunoorin ko." nakangiti kong sabi ba ikinailing niya.

"Patay na si Hansung K. Move on na." aniya na ikinasimangot ko.

"Di mo suot yung bigay ko?" tanong ni Lala.

Napalunok ako saka ko siya nginitian.

"Luh, nakalimutan kong isuot friend." sabi ko saka ako napakamot sa ulo ko.

Biglang nagsipasukan ang mga classmates ko tanda ng pagdating ng teacher namin.

Bumalik na si Lala sa upuan niya.
Napabuntong-hininga ako nang maalala ko ulit ang nasirang choker.

Luh, badtrip. Anong dapat kong gawin?

---

Lumipas ang maghapon na ang tanging iniisip ko lang ay kung pano aayusin yung choker.

Pagkatapos kaming idismiss ni Sir ay nagpaalam si Lala na mauuna siya dahil may club activity daw sila.

Pagkaalis ni Lala ay siya namang pagtayo ko sa upuan ko.

Papalabas na sana ako ng room nang harangan ako ni Loki.

"At san ka pupunta?" tanong niya.

Binigyan ko siya ng malamig na tingin.

"Cafeteria. Tutulong kay Ate Zenny." malamig kong sagot saka siya tinabig para makadaan ako.

Naramdaman kong hinila niya ako paharap sa kanya.

Magsasalita sana siya pero inunahan ko siya dahil nabwebwesit pa rin ako sa kanya.

"Pwede ba, wag mo muna akong kakausapin. Wag mo rin akong hahawakan dahil hindi uubra sa kin yang mga hokage moves mo ngayong beastmode ako Ser. Hangga't hindi ko nagagawan ng paraan yung sinira mong choker, don't expect me to talk to you, MASTER LOKI." sabi ko saka ko hinablot ang braso ko mula sa kanya.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now