Chapter 2: I Feel Ya~

1.5K 27 3
                                    

Chapter 2: I Feel Ya~

~•※•~

KEARN

Hinigh blood ko ata si Ser dun sa bun at kinaladkad na naman niya ako pagkalunch time papuntang gym.

"Linisin mo yung gym lockers naiintindihan mo? Siguraduhin mong walang matitirang kalat kung ayaw mong may gawin akong masama." utos niya.

Inismiran ko lang siya at inilagay sa isang tabi yung bag ko.

Kukunin ko na sana yung mop nang bigla niya akong hilahin at itulak.

Buti na lang at may mgapuzzle mat doon na nakastock kaya hindi nagkabali bali yung buto ko.

Nanglaki yung mga mata ko nang bigla niyang marahas na inilagay yung magkabila niyang kamay sa gilid ko.

Luh, ano namang nagawa ko?

Napalunok ako ng sunod sunod. Nakakahiya yung pwesto namin kung sakasakaling may makakita man sa min.

"Sa susunod, sumagot ka kapag kinakausap kita!" nanglilisik na sabi niya.

"Yes Ser, Bossing, Big Boss, Commander. Hai, Hai. Ne, Ne. Opo." sabi ko.

Nagtss lang siya saka siya tumayo at iniwan roon.

Aigoo, oo nakakatakot siya. Pero, mas nakakatakot yung dati kong school na puno ng mga impakta. (╥_╥)

Tumayo ko at nagsimula nang maglinis. Habang naglilinis ay kumanta-kanta pa ko para hindi ako mabored.

Pagkatapos kong maglinis ay lumabas na ko. Muntik na nga akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot yung Loki ata sa harap ko.

"Manggulat talaga Ser?" tanong ko sa kanya hawak hawak yung dibdib ko.

"Tss. Take your lunch. Mamayang hapon may iuutos pa ko sa yo." sabi niya.

"Luh, kakain talaga ako no." sabi ko at pinandilatan niya ako.

"Sabi ko nga Big Boss. Kitakits na lang." sabi ko.

Tinalikuran niya ako saka siya naglakad paalis.

"Tsk.  Kala mo kung sino." bulong ko.

Bigla siyang huminto at pinandilatan ako.

"Ha?!" sigaw niya.

Napatalikod ako bigla.

"Luh, panong narinig niya yun? Eh anglayo na kaya niya." bubulong-bulong na sabi ko. (ಥ_ಥ)

Grabeh siya ah. Tao ba talaga siya?

---

Pagkapasok ko sa cafeteria ay nakita ko si Lala sa isang mesa.

Lumapit ako roon at naupo sa tabi niya.

"Hi Lala may tanong lang ako, sino ba yung halimaw na nakaupo sa likod ko sa room?" diretsa kong sagot.

Biglang naibuga ni Lala yung iniinom niyang juice.

"Hindi mo kilala si Loki?" tanong niya.

So Loki nga ng pangalan niya.

Luh, pangalan pa lang pamatay na. -_-

Umiling ako na ikinalaglag nung panga niya. Ang OA naman ni friend.

Pumulot ako dun sa chips na kinakain niya.

"Hindi ka ba nakinig dun sa teacher na nagtour sa inyo?" tanong niya kaya bigla akong inihit ng ubo.

Devil Behind MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon