Chapter 7: Loki Loki♪♪♪

1K 21 0
                                    

Chapter 7: Loki Loki♪♪♪

~•※•~

KEARN

Masaya akong pumunta sa kusina. With matching patalon talon pa.

Luh, nababaliw na ata ako.

Sino bang may maayos na utak ang muntikan nang mamatay pero wagas pa rin kung makangiti?

Nasa may harap na ako ng ref nang marinig kong may kumalabog sa likuran ko.

Paglingon ko, nakita kong nagkalat yung mga bote at pakete sa mesa.

Mukhang naggrocery si Loki at nabutas yung paperbag na dala niya.

Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang ayusin yung kalat.

"Luh, ba't di mo sinabing mamimili ka. Eh di sana sumama ako sa yo at natulungan kita." sabi ko.

Hindi siya umimik at biglang may inihagis siya sa kin.

Mumurahin ko sana siya nang maamoy ko yung ibinato niya sa akin.

"Luh, burger?!" gulat kong tanong at binuksan yung paperbag.

Bigla akong naglaway nang makita at maamoy ko ng tuluyan yung mainit init pang mga cheeseburgers.

"Luh, thank you ha?!" sabi ko saka pumulot ng isa at inilagay sa mesa ang mga natira.

Kakakagat ko lang sa burger ng biglang hilahin ni Loki yung kamay ko saka kumagat dun sa part na kinagatan ko.

Nalukot yung mukha ko.

"Luh, ba't diyan ka pa kumagat? May dalawa pa dun oh. Paepal to."nakabusangot kong sabi.

O ba't hindi na lang kaya siya bumili ng kanya? Tss.

"Mas masarap kaya yung kinagatan mo na."sagot niya saka binitiwan yung kamay ko.

"Luh, paepal ka lang talaga."sabi ko saka kumagat ulit dun sa burger.

Nagtaka ako kung bakit bigla siyang ngumisi.

Kakagat sana ako ulit nang bigla siyang lumapit sa kin at bumulong sa tenga ko.

"Naalala mo yung sinabi ko na next time na hahalikan kita ay magrerespond ka na? It's happening now slave." bulong niya.

And then it hits me.

Napatitig ako dun sa lecheng burger na hawak ko.

Yung kinagatan ko ay kinagatan niya. Then yung kinagatan niya ay kinagatan ko.

Fuschia pink!

Indirect kiss?!

---

Dahil sa asdfghjkl na indirect kiss namin sa cheeseburger na yun ay nawalan na ako ng ganang ubusin pa siya.

Nasa living area ako at nanunood ng TV nang marinig ko ang mga yapak sa hagdan. Bigla akong nagpadausdos sa sofa para hindi niya ako makita.

Luh, ba't ba ako nagpapaapekto sa isang yun?

I switched the channel at napunta sa Arirang.

Ililipat ko sana ng makita kong Red Velvet ang featured sa Pop in Seoul.

Luh, nagcomeback na pala sila?

Pinanood ko lang sila sa Pick and Talk na portion pagkatapos ay nagplay yung recent comeback song nilang 'Rookie'.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now