Chapter 4: Weird Loki

1.2K 26 1
                                    

Chapter 4: Weird Loki

~•※•~

KEARN

Lintik na Loki yun!

Nagmalfunction na nga yung utak ko nang makita yung lahat lahat sa kanya, dinagdagan niya pa yung brain damage ko nang halikan niya ako.

At ang walangya, nginisihan lang ako bago siya lumabas sa pinto ng kwarto ko.

Anong akala niya sa kin, nagbibigay ng free kisses sa dis oras ng gabi?! Yun pa man din yung first kiss ko, nakakainis siya! (ಥ_ಥ)

At malalaman ko pang dito rin ang dorm niya at siya ang Black Dorm President.

Graveh lang, dinikitan ata ako ng kamalasan simula nung tiningnan ko siya nung unang beses naming magkita. (╥_╥)

Naalala ko kasing siya yung lalaking nagwawalis noon at muntik na akong sugurin bago ako matamaan ng bola ni Lala.

Luh~ Eh di sana pala hindi ko na siya tiningnan nung una pa lang.

"Ate Gwen, nakita niyo po si Loki?" tanong ko kay Ate Gwen na nagliligpit ng pinagkainan.

"Nauna na siya. Pumasok ka na rin at baka malate ka pa. Ako na ang bahala rito." sabi pa niya.

Nginitian ko siya saka nagpasalamat.

Buti naman at nauna na siya. Dahil hindi ko alam kong mahihiya pa ba ako o maiinis pag makita siya.

Masaya akong naglalakad papunta sa school premises dahil maganda yung panahon at ang lamig na ng panahon dahil start na ng February.

Luh, love month na pala hindi ko na namalayan ang panahon.〒▽〒

"Hoy!"

Bigla akong napahinto ng may pamilyar na boses akong narinig sa likod ko.

Luh, bakit bigla akong kinabahan nung marinig ko yung boses na yun?

Paglingon ko ay naconfirm kong siya nga.

Napaatras ako at napalunok nang bigla bigla na lang siyang lumapit sa kin.

Luh, ano na naman bang ginawa ko?

"Ano na naman bang kailangan mo Ser?" tanong ko.(ಥ_ಥ)

Ngumisi lang siya at biglang hinawakan ang magkabilang balikat ko na ikinagulat ko.

"Pinapaalala ko lang sa yo na slave kita. At wag na wag kang magkakamaling suwayin ako, kung ayaw mong may mangyaring masama sa yo." sabi niya.

Napalunok ako at napakapit ako ng mahigpit sa bag ko.

"Naiintindihan mo naman di ba KEARN ANGELLA?" tanong niya.

Napapikit ako at mabilis na tumango.

Naramdaman kong binitawan niya na yung balikat ko kasabay nun ay naramdaman kong nalaglag ang buhok ko.

Napamulat ako at nakita kong hawak ni Loki ang ipit ko sa buhok.

Natameme ako nang inayos niya yung buhok ko at bangs.

"Gusto kong maglugay ka na simula ngayon. Ayokong makita kang nakaipit maliwanag?" utos niya.

Hindi ako nakasagot dahil natulala lang ako nang makita ko siyang ngumiti.

LUH, MARUNONG PALA TONG NGUMITI??? ( ̄∀ ̄)

"Tsk. Walang kwentang kausap." aniya at iniwan ako roon.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now