Chapter 14: Nagmahal, Tumula, Nabaliw

890 18 1
                                    

Chapter 14: Nagmahal, Tumula, Nabaliw

~•※•~

KEARN

Parang wala lang kay Loki yung mga nangyari nung Literature Class namin dahil inutusan pa niya ako na samahan si Ate Zenny sa pamamalengke pagkatapos ko siyang tulungan sa kusina.

Grrr... HINDI NIYA BA MAVIBES NA MASYADO AKONG AFFECTED DUN SA 'TULA SERYE' KUNO NAMIN KUNG TAWAGIN NI LALA. SAMANTALANG SIYA, HINDI MAN LANG SIYA AFFECTED KAHIT SLIGHT LANG. <(`^´)>

"Ayos ka lang ba K.An? Kanina ko pa napapansing gigil na gigil ka diyan sa mga dala mo." rinig kong sabi ni Ate Zenny sa tabi ko.

Nasa isang bus stop kami at naghihintay ng bus na papunta sa direksyon ng school.

Inilapag ko sa sahig yung mga dala kong mga supot at kinuha yung papel na naglalaman ng tula ni Loki galing sa bag ko.

Ipinasa ko to kanina kay Sir pero ang sabi ni Sir ay nagpasa na si Loki ng kanya.

Ibinigay ko yung papel kay Ate Zenny.

"Uy... Kanino to galing ha? Galing siguro to sa manliligaw mo no? Kinikilig ka siguro kaya ka gigil na gigil diyan sa mga hawak mo." panunukso ni Ate sa kin matapos niyang mabasa yung nakasulat.

"Luh, hindi Ate no! Wala akong manliligaw at mas lalong hindi rin ako kinikilig!" depensa ko.

Ibinalik sa kin ni Ate yung papel na kaagad ko namang inilagay sa bag ko.

"Naiinis lang kasi ako." bigla kong sabi at nagbaba ng tingin.

"Ba't ka naiinis?" tanong naman ni Ate Zenny.

Huminga ako ng malalim saka kwinento sa kanya yung mga nangyari kanina sa Literature class namin. Pero hindi ko sinabing si Loki yung nagbigay nung papel.

"Naiinis ako sa kanya kasi parang wala lang sa kanya. Pakiramdam ko pa nga pinaglalaruan niya lang ako." sabi ko pa.

Napalingon ako kay Ate nang bigla siyang natawa.

"So disappointed ka kasi hindi siya affected gaya mo?" tanong ni Ate.

"Luh, hindi no!" sagot ko.

"Aysus. Kung iisipin mong mabuti, siya yung pinapatamaan mo sa tula. Tama ba?" tanong niya.

"Luh, mali. Sa kanya ako humugot ng ideya para dun sa tula. Ginawa ko lang na korni para sumakto dun sa tema." sagot ko.

"Aysus, indenial pa ang batang to. Yung totoo hija, may gusto ka ba sa kanya?" tanong ni Ate Zenny na ikinalingon ko sa kanya.

"Luh, ba't napunta tayo diyan?" tanong ko.

"Sagutin mo na lang ng malaman natin kung pano solusyunan yang problema mo kuno." sabi naman ni Ate Zenny.

Luh, eh di shing shang shong. (ಥ_ಥ)

"Peksman, wala akong pagsasabihang iba. Atin atin lang. So ano na? Gusto mo ba?" aniya.

"Yun nga Ate eh. Kung naguguluhan ako sa kanya ay MAS naguguluhan ako sa sarili ko." sagot ko.

"At sa anong paraan ka naguguluhan aber?" tanong niya.

Humarap ako sa kanya.

"Mas komportable ako sa kanya kapag naka-beastmode siya dahil alam kong siya talaga yung kaharap ko. Pero kapag hindi niya ko pinapansin ay hinahanap hanap ko yung paglalandi niya sa kin. Sabihin mo sa kin Ate, kailangan ko na bang magcheck-in sa Mental?" tanong ko kay Ate.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now