Chapter 16: Wae Nae Mameul Heundeuneun Geonde?!

862 20 2
                                    

Chapter 16: Wae Nae Mameul Heundeuneun Geonde?!

~•※•~

KEARN

asdfghjkl

Mas masahol pa ako sa na-one night stand langya!

Masakit ang ulo, puso at katawan ko nang magising ako. At wala na yung epal na Loki sa tabi ko.

Ang malala pa, nag-iwan siya ng remembrance. Yung itim na T-shirt niya saka isang note na nangwindang sa akin ng bongga que aga aga.

I enjoyed your company last night. Thanks to you I slept well again for the second time. Don't forget to get the mails from the guard's post and bring them to my office before you come to class.

P.S. I love you. Remember that three word sentence Angel.

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto, mainis, matuwa o kiligin sa pinagsusulat niya.

Argggh!

Pagkatapos kong gawin ang mga daily routines ko ay binilisan kong pumunta sa guard post ng hindi ako malate kung saka-sakali.

Nakapagtataka nga dahil sabi ni Ate Gwen kanina nung tinanong ko kung asan si Loki ay hindi pa raw niya nakikita iyon buong umaga.

Luh, paki ko ba sa isang yun?!

P.S. I love you. Remember that three word sentence Angel.

Luh, ba't biglang nagpop up sa utak ko yun?

"Erase, erase, erase!" bulong ko habang ginugulo yung buhok ko.

Pagkatapos kong gawin yung utos ni Loki ay pumunta na ako ng classroom ko.

Pagkarating ko sa may pinto ay sinalubong agad ako ni Lala.

"K.An, dali tingnan mo to bilis!" sigaw niya saka ko hinila papuntang upuan ko.

Ang una kong napansin ay ang epal na si Loki na nakapangalumbabang nakatingin sa labas.

Ang sunod kong napansin ay ang isang malaking panda na stuff toy at isang bouqet ng daisies sa ibabaw ng desk ko.

Luh, kanino to?

"Ayieeh, si K.An, may manliligaw na." panunukso ni Lala sa kin.

"Luh, di ata akin yan." sagot ko saka naupo.

Kinuha ni Lala yung stuff toy at inilapit sa kin.

"Eh ba't may pendant na Kearn Angella aber?!" sabi niya.

Tiningnan ko kung pangalan ko nga ba ang nakalagay at napalunok ako nang makita kong pangalan ko nga talaga ang nandun.

Kinuha ko yung stuff toy at inamoy. Luh, ba't parang amoy ni----

Nanlaki ang mga mata ko nang maisip kong kaamoy ni Loki yung stuff toy.

Guni-guni ko lang ba yun o talagang amoy ni Loki ang naamoy ko? (ಥ_ಥ)

Itinabi ko yung stuff toy at kinuha yung bouqet ng daisies.

May card sa loob nun na kinuha ko.

Angel,
Will you be my date on the Valentine Dance?

If yes, please wear the necklace I left in your bedside table on the night of the dance.

P.S. I'll still love you even if you say no, remember that.

Devil Behind MeWhere stories live. Discover now