Chapter 28: Sealed

702 15 0
                                    

Chapter 28: Sealed

~•※•~

KEARN

Nakatingin lang ako sa kanila habang naghihysterical sila ng katatanong at kakukwento sa kin tungkol sa pagdukot sa kin nung Living Boobs na si Paris.

Napansin ata nilang naiirita na ako kaya naisipan nilang tumahimik na.

"Okay na po? Kalmado na ang lahat?" tanong ko.

Nang wala nang nagsalita ay nagsimula na akong magkuwento.

"Pangalawang beses na akong dinukot ng Boobs na yun. Yung unang beses ay noong kagagaling ko lang sa palasyo ng mga Kurogawa." sabi ko.

"So siya yung sinasabi mong napatrouble ka?" tanong ni Lala.

Tumango lang ako.

"Dinukot niya ako for the sole reason na isa akong hindrance sa lecheng 'forever' nila ni Boss." pagpapatuloy ko pa.

I saw on my peripheral vision na napalingon sa direksyon ko si Loki.

"Well, kung pakikiuasapan lang sana nila ako ng matiwasay eh di why not let them be in peace na lang di ba? Kailangan pa ba talaga akong kidnapin, pagbantaan, itali sa bulbed wire, ipabugbog at tutukan ng baril? My ghad. I'm telling you guys, malas talaga ng MAPAPANGASAWA niya." sarcastic na sabi ko.

"Nasobrahan ka ata sa ampalaya at kape fwend." sabi ni Hailee na ikinangiti ko.

"Kasalanan nung lason kaya nagkaganto ako." sabi ko na lang.

"Tapos ka na ba diyan sa pagpaparinig sa kin?" tanong ni Loki na bigla-iglang nasa tabi ko na.

Luh, eh kanina nandun lang siya sa isang sulok ah. Ano yun, nagteleport siya? 😒

"Mukha ba akong nagpaparinig BOSS?" tanong ko.

"All of you get out." malamig na utos niya.

"Lala, tulong naman sa dextrose ko oh." sabi ko.

"Except for you, Kearn Angella." sabi niya.

"Luh, kala ko ba ALL of us GET OUT?" pamimilosopong tanong ko.

Pinandilatan niya ako ng mata making me roll my eyes heavenwards.

"Bye K." paalam nila at isa-isang nagsilabasan.

"Are you mad at me?" tanong niya nang nakalabas na silang lahat.

"Obvious ba?" mataray kong sagot.

"Why?" tanong niya na halos ikaiyak ko.

ASDFGHJKL

"At ako pa ngayon ang tinatanong mo kung bakit? Ha! Bakit nga kaya Mister Loki Kurogawa? Ahhh... Siguro kasi everything doesn't make sense to ME. YOU said you LOVE, ME. I do believe it. YOU said I should trust YOU. And I did. But you, you surely DO NOT trust me."

"I trust you Angel." mahinahong sabi niya making me scoff.

"Talaga? Bakit hindi mo sabihin sa king isa kang House Member ng Western House of Black Daggers? Na balak akong gamitin laban sa inyo. Na ayaw mo akong mapasali sa isang gulo wherein kasali naman na talaga ako in the first place?" tanong ko sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang gulat at pagkalito.

"How did---"
"Isa akong Black Galatea Loki." pagpuputol ko sa kanya.

"Nam SeoYeon, granddaughter of the 15th Head Master of the Eastern House of Black Galatea and the soon-to-be 16th Head Mistress." pagpapatuloy ko pa.

Devil Behind MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon