Chapter 3

535 22 22
                                    

Third Person's POV

Isang makulimlim na umaga ang sumalubong sa lahat ng magaaral ng Olympus High School. Alas syete na ng umaga at nagsisimula ng magdatingan ang mga magaaral.

"Hey bro! Card day ngayon, shet kinakabahan ako sa grades ko!" Wika ni Jacob.

Naglalakad ang buong klase ng G9- Lavoisier papunta sa kanilang flag pole, kung saan gaganapin ang kanilang flag ceremony, tanda ng masiglang pagsisimula ng panibagong linggo.

"Wait parang kulang tayo ah!" Bulyaw ng kanilang class president na si Eryn.

"Ah oo! Si matthew! Di daw siya makakapasok ngayon dahil wala na siyang wax" pagsasalaysay ni Glynn na nagpipigil ng tawa.

"Okay noted!" Sagot ni Eryn.

"Guys yung graham balls ko 5 pesos lang, bili kayo mamaya." Sabi ni gyreme.

Nagtawanan ang lahat ng kaniyang mga kaklase.. Ang ibang estudyante na mula sa ibang seksyon ay naiinggit talaga sa samahan nila.

Agad natapos ang seremonya at agad pinabalik ang mga magaaral sa kani kanilang mga classrooms.

"Guys!" Masiglang sigaw ni Carmela pagkapasok sa kanilang kwarto

"Anong problema Ms. Rivera?" Nagaalangang tanong ni Isaac, ang Bise Presidente ng kanilang klase

"WALA SI MAAAAMMM!" Agad umalingawngaw ang iba't ibang klase ng ingay sa kanilang kwarto.

"Shhh! Tahimik! Guys, wala talaga lahat ng teachers dito sa school natin ngayong araw." Malamig na wika ni Eryn.

"Huh!? Bakit?" Nagtatakang tanong Ni Nicanor.

"Maybe they'll have a meeting with the principal? Or with the other school officials? I don't know. Pero hindi pa pwedeng umuwi." Eryn

Kahit na ganoon ay masaya parin ang lahat dahil sa anunsyong wala ang kanilang mga guro.

"Uhm. Anyway, Michael? Tawagan mo si Matthew. Papasukin mo siya. Sabi kasi ni Ma'am kanina, dapat kumpleto tayo ngayon no matter what. Hintayin nalang natin siya mamaya at bigayan ng card." Maotoridad na utos ni Eryn na agad namang sinunod ni Michael.

**

"Bes, tara dito tabi tayo may ikukwento ako sayo na naiimagine ko." Pagtawag ni Ianne sa Kaibigang si Angelika.

"Ah oh. Ano nanaman yan?" Sambit ni angelika habang inilalapit ang upuan kay Ianne.

"Paano kung may killer dito sa school? Tapos iisa isahin niya tay--" hindi naituloy ni Ianne ang sinasabi ng bigla itong pinutol ni Angelika.

"Ianne!! Please stop! Yan ang naiidudulot sayo ng pagbabasa ng mga ganyang genre eh." Angelika.

"Look, it's better to be ready." mahinahong salaysay ni ianne.

"Walang mangyayaring ganyan sa mga binabasa mo okay? All of those are just fictional. FICTIONAL!" Giit na sabi ni Angelika.

"Do you want to spend time in playing Uno!?" Sigaw nanaman ni Vann.

"SURE!"

Pumabilog ulit sila at binalasa na ni Mae ang mga baraha at binigyan ang mga kaklase.

Class Prodigy Where stories live. Discover now