Chapter 9

386 21 22
                                    

Third Person's POV

Lahat ng mga lalaki ay sumama para maiayos ang bangkay ni Matthew, kasama sina Gyreme,Mizpah, at alaina. Ang ang mga natira ay sumama para hanapin si Princess

Gulat na gulat ang mga magkakaklase ng matagpuan nila ang mabaho at nilalangaw ng bangkay ni matthew sa Library
Nakatakip silang lahat sa kani kanilang mga ilong at ang iba ay naduduwal sa sinapit ng kanilanh kaklase.

"Sinong walang hiya ang gumawa neto!?" Umalangiwngaw ang malakas na sigaw ni gyreme na mayroong halong poot.

"Oh my God!" Mangiyak ngiyak na saad ni Mizpah.

Lumapit ang mga kaklaseng lalaki kay Matthew upang tanggalin ang mga nakatali sa paa at sa kamay neto, at maging sa baywang ng biktima.

"Putangina, ang baho mo na brad." Nakangiwinh sabi Ni Patrick habang tinatanggal ang mahigpit na buhol sa kamay ng kaklase.

"Gago ka talaga Pat, nagawa mo pang magbiro." Saad ni Lemuel, na ngayo'y nakatakip din ng ilong.

"Shit! ANO TO!?" Napatingin silang lahat kay Neiru na napasigaw dahil sa nakita.

Nagsilapitan silang lahat at itinuro niya ang nasa sikmura ng kaklase.

"CARD!?" Nagtatakang tanong Ni Melbourne.

"Junnie! Kunin mo dali!" Maotoridad na utos ni Isaac.

"Ayoko nga! Kayo nalang." Humalukipkip si Junnie, ang totoo ay natatakot at nandidiri ito dahil, may mga namumuong laman ang lumalabas mula sa sugat ng kaklase na siyang tinamaan ng bala kung saan nakabaon ang nasabing Card.

"TSS." Lumapit si Patrick, at kahit nandidiri, hinawakan niya ang nakalabas na bahagi ng card at unti-unti itong hinugot. May nakakadiring tunog nang nagkakaliskisang laman at dugo ang maririnig habang hinihigit niya ito. Napatakip nalamang siya sa kanyang bibig at ilong.

"Ano yan?" Nagtatakang tanong ni Paul.

"U.....NO CARD?" binalibaliktad ni Patrick ang Card at napagtantong isa itong uno card.

"Six... Red.." Bulong  neto habang sinusuri ang card.

"Look. May nakasulat." Sabi ni Alaina at itinuro ang likod ng card.

"Letter A?" Sabay sabay nilang tanong sa isa't isa at nagkatinginan. Lahat sila'y napakibit balikat nalamang.

"Sa tingin ko ay dito nalang natin iwanan si Matthew. Medyo malayo naman ito sa Dormitory building kaya't imposibleng umabot sa'tin ang amoy.." Wika ni Isaac. Inayos nila ang bangkay at inihiga ito sa isang tabi at tinalukbungan ng puting tela galing sa mga lumang cabinet. Minap nila ang mga dugo, at mga talsim talsik sa dingding upang maibsan ang masangsang na amoy.

Sama sama silang lumabas ng lumang library upang bumalik sa dormitory building, nang may maamoy nanaman silang masangsang na amoy ng dugo.

"Minap niyo ba talaga ng mabuti yung Lib, eh bat parang hindi naman nabawasan yung Malansang amoy?" Pagtataka ni Mizpah.

"Oo nga noh. Pero minap naman naming mabuti yun eh. Diba tol?" Siniko ni Michael ang sikmura ni Lemuel kaya't agad itong napatango tango.

"Eh bat parang yung Amoy, ganun pa rin sa naamoy natin kanina?" Nagtatakang tanong ni Nicanor.

"Naiwan lang sa mga ilong niyo yung amoy. Ang aarte niyo. Nalinis na yan. Tara na." Kanina pa nagmamaktol si Glynn na ang totoo, ay kanina pa nandidiri sa naamoy at nakita.

Class Prodigy Where stories live. Discover now