Chapter 15

277 11 14
                                    

Gyreme's POV

NAgtitipon tipon kami ngayon dito sa aming laboratory na siyang nagsisilbing classroom namin noon. Ala sais na ng umaga kaya't ang iba ay naghahanda na ng almusal namin.

Lumipat kami kaninang madaling araw matapos ang trahedya na siyang kumitil sa buhay ng isa sa amin. Si Laurice.

Mahirap man at masakit makita ang katawan niyang walang buhay at halatang walang laban sa kung sino man ang hayop na gumagawa nito, wala na kaming magagawa para mabalik ang buhay na tinapos.

Pangatlong umaga na simula ng magsimula ang letcheng patayan, at kung minamalas nga naman tatlo na ang namamatay at isa ang nawawala. At kung minamalas nga ulit, Locked pa ang gate, both front and back. Itong school kasi namin, sobrang layo sa kabihasnan, sa bayan. Located siya sa isang baryo kung saan walang kabahay-bahay at tanging itong napakalaking school lang namin ang nakatayo. Bukid at kakahuyan na sa labas. Pero simula nung Lunes, hindi na namin ulit nakikita kung ano na ang nangyayari sa labas, napakataas ng gate, at bakod ng school. Wala kaming ibang makikita kundi ang langit at ulap kapag tumingala kami.

"Guys! Handa na yung pagkain." Sigaw ni Rina na agad pumukaw sa atensyon naming lahat. Kingina, kanina akala mo mga nasiraan na ng ulo mga 'to sa sobrang tahimik, ngayon naman parang mauubusan ng pagkain.

Swerte namin kasi, madaming canteen sa school namin. I guess, bawat building ata may tig-isang canteen. Tapos sa may main canteen ang may pinakamaraming stock ng fuds.

Since boarding school 'to, maraming supplies ng foods, karne, isda, gulay, prutas. Lahat lahat na, thanks God kasi hindi pa nasisira kasi nakalagay sa ref. Maraming canned goods, noodles, basta marami.

"Dali, kain na para mahanap na natin si Mizpah. Gutom na yun for sure." Wika ni Angelika habang punong puno na ang bunganga. Baka siya ang gutom. Inilagay nila ang nilutong sopas, at juice sa isang mahabang laboratory table, nakapaikot kaming nakaupo lahat at pinagitnaan ang pagkain.

"Hinay hinay lang, di ka makakahinga! Pangit naman kapag ganyan ang pagkamatay mo diba." Wika ni Jean na natatawa sa inaasal ng kaklase.

"Hahahahah. Oo nga naman hehe." Mahinhin na sambit ni Angeline.

"Guys!" Sa gitna ng aming pagkain bigla na lamang napatayo si Lemuel.

Napatingin na lamang kami sa kanya bilang sagot.

"Sinong multo ang laging malungkot?" Tanong niya. Kingna ang luma naman ng unggoy na 'to. Zo korneh.

"Pag yan nasagot ko, wag ka ng magjojoke forever?" Napangiti ng sarkastiko si Melody at napangiwi si Lemuel.

"O- Osige nga." Panghahamon niya at tumayo na rin si Melody mula sa pagkakaupo.

"Si Sadako. Ew so easy." Pagmamalaki ni Melody. At agad inasar si Lemuel na halatang halata ang pagkadismaya sa kanyang mukha.

"Nyeta naman. Hooh!" Nakakatuwa ang mukha ni Lemuel. Halos malaglag na ang kaniyang nakakasugat na panga dahil sa pagkakapahiya. Hahahah

"Grabe ka Melody!" Padabog niyang hinila ang kaniyang upuan atsaka sinunod sunod ang pagsubo ng sopas.

Nagsitawanan kaming lahat. Nakakamiss ang bonding na ganito.

"Saan nga pala natin sisimulan maghanap kay Mizpah?" Tanong ni Mae

"I don't know. Siguro try nalang natin sa Old Admin bldg?" Tanong ni Claudine.

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon