Chapter 22

300 9 10
                                    

Third Person's POV

Sunod sunod na nagising ang magkaklase, dala pa rin nila ang takot nang kahapon.

"Neiru saan ka pupunta?" Tanong ni Jean nang mapansin na palabas ng laboratory si Neiru bitbit ang kaniyang laptop at mga libro na kung tawagin ay manga.

"Magpapahangin lang." Tipid na sagot ng binata at tuluyan nang nilisan ang silid.

"Guys! Cheer up! Kung lalamunin tayo ng takot, hindi na talaga tayo makakalabas ng buhay dito." Wika ni Melody nang mapansin ang kalungkutan at pagkadismaya na nakaukit sa mukha ng lahat.

"Tama si Mel guys, kumain na tayo at magpakatatag. Oras na malaman natin kung sino ang hayop na pumapatay at iyong nagpunta dito kagabi, patawarin ako ng panginoon pero papatayin ko siya." Puno ng galit at gigil ang boses ni Michael.

Napaismid naman ang isa sa kanila at itinaas nito ang isang bahagi nang kaniyang labi.

Matapos kumain, ay kanya kanyang sulok na sila nang laboratory. Magkakasama ang mga malapit sa isa't isa.

"Gyereme, hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan." Paulit ulit na pagpapakalma ni Odessa sa kaibigan.

"Gye." Mahinang bulong ni Melody

Nasa iisang sulok ang magkakaibigan na sina Anna,Melody,Odessa,Erika, Angelika, Anna, Alaina,  Ianne at si Gyreme.

Magmula kagabi, pagkaalis ng salarin, ay hindi na nila narinig ang tinig ni Gyreme, sinisisi nito ang kaniyang sarili sa pagkawala nang kaklase.

Nagtingin ang magkakaibigan ng may hinugot si gyreme sa kanyang bulsa, at inilabas ang isang uno card na nababalutan ng mga natuyong dugo.

"Another." Wika ni Alaina, at unti unting kinuha ang uno card na inilabas ni Gyreme.

Neiru's POV

(All the scenes in this part of the story, have nothing to do with the real life of the characters.)

Maaga akong nagising dahil sa pagkikita na pinagusapan namin ni Claudine. Nais ko nang aminin sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sakanya. Bago pa man ako mamatay sa impyernong ito, atleast maamin ko na sa babaeng matagal ko nang minamahal ng patago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Bitbit ang aking laptop at mga manga, tumigil ako sa silong ng acacia. Rinig na rinig ko ang pagkaluskos ng mga dahon dahil sa katahimikan ng paligid. Wala pa si Claudine, bago ako umalis, nakita ko siyang nagaayos ng gamit sa lab.

Minabuti ko munang umupo at manuod muna ng anime. Pagkabukas ko ng aking laptop ay sinalubong ako ng isang red uno card no. 6. Nakaipit ito sa gilid ng screen. Kinuha ko ito, at ibinulsa. Hays mga kaklase talaga namin kung saan saan nilalagay ang mga cards pagkatapos maglaro.

Sa ilang minuto kong paghihintay ay walang Claudine na nagpakita. Kinuha ko ang sticky notes sa aking bulsa at sinulat ko ang tatlong salita na gustong gusto kong sabihin kay Claudine. Idinikit ko ito sa screen ng aking laptop atsaka ako napangiti. Ibinalik ko ang aking atensyon sa aking pinapanuod nang may nakita akong mga paa na nakatayo sa aking harapan. Sa wakas, dumating na siya.

Dali dali kong isinara ang aking Laptop at tumayo.

"Clau---" natigilan ako nang magtagpo ang aming mga mata.

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon