Chapter 13

296 17 25
                                    

Laurice's POV

Nang pinabalik na kami sa aming mga kwarto ay agad akong nahiga sa aking kama at nagisip, kung ano na nga ba itong nangyayari sa amin.

Habang si Karyl naman ay Isinalpak na ang kanyang earphones, at agad naghasik ng napakalakas na pagkanta.

Napailing na lamang ako at napabuntong hininga. Kung titignan mo ang mga kakalase ko, sobrang hirap isipin na isa sa amin ang pumapatay. Pilit kong inilalagay sa positibo ang aking pananaw na ang may kagagawan nito, ay isa sa mga estudyante sa ibang section na naiinggit sa aming samahan.

Habang tinitignan ko si Karyl na Kumakanta habang nagsasayaw sa aming kwarto ay napangiti na lamang ako, at isang bagay lang ang tanging pumasok sa aking isipan. GUSTO KO PA SILANG MAKASAMA NG MAS MATAGAL.

Kinuha ko ang aking cellphone at ivinideo si Karyl na parang timang na sumasayaw at kumakanta. Gaya nang nakagawian namin, syempre nilagyan ko ng funny effect yung camera para mas nakakatuwa. Napahalakhak na lamang ako ng tumingin siya sakin, ngunit hindi pa rin natitigil sa pagsayaw at pagkanta. Mukha tuloy siyang palaka sa effect na ito. HAHAHA!

Nang mapansing pinagtitripan ko siya, ay agad niyang tinanggal ang kanyang earphones at nakunot ang noo.

"Hoy! Ikaw talaga. Nanggigil ako jan sa bangs mo hah! Dibale maganda naman ako jan diba." Pilit niyang sinisilip ang cellphone ko. Hahaha kung makita lang niya baka mamatay ako sa pangingiliti nito, kapag nakita niya ang clip na kuha ko sakanya.

Tawa lamang ang tanging naisagot ko sakanya, at agad niya akong pinagkikiliti sa aking baywang. Tawa lamang kami ng tawa na dalawa. Parang walang trahedya ang namgyari at naghihintay sa amin.

Nang maramdaman namin na pareho na kaming tagaktak ang pawis ay napaupo na lamang ako sa aking kama, at si Karyl ay napahiga na sakanyang kama.

Magaalas onse na ng gabi, at hinahatak na ako ng aking mga mata upang matulog.

Kinuha ko ang aking bag, para makapagpalit na ng pantulog. May kapansin pansin na card ang nakalagay sa ibabaw ng aking mga damit.

Agad ko itong dinampot at agad napagtanto na isa pala itong uno card. Paano ito napunta dito?

Sa di malamang dahilan, agad akong kinilabutan, at agad inakyat ng matinding kaba. Weird.

Kunot noo kong pinagaralan ang card, ngunit wala namang kahit ano ang nakalagay dito maliban sa numero nitong sais at kulay na pula.

"Laurice. Ano sa tingin mo 'tong nangyayari? Karma ba to bes?" Sabi ni Karyl ngunit hindi ko ito sinagot dahil sa nyetang card na ito.

"Bes ano yan?" Napabangon si Karyl sa kanyang kama at alam kong nakatingin na siya sa akin ngayon.

"Uno Card." Tipid na sagot ko, habang binbalbaliktad ang card.

"Ah, baka naman nadala mo lang. Diba naglaro tayo kanina. Ikaw ah, kaya pala ang bilis mong natapos, nagtago ka pala ng card." Pangaasar ni Karyl sa akin, at nagawa pa nitong humalkhak.

"Hindi. Wala akong naging card na Red na six, imposibleng nadala ko ito dito, bakit napunta agad sa bag ko?" Napakamot na lamang ako sa aking ulo.

"Nako bes, baka naman. Uhmmm. Basta napadpad lang yan jan. Yaan mo na yan. Tulog na tayo." Sabi ni Karyl.

Ibinaba ko anh aking bag at inilagay ang card sa ilalim ng aking unan..

"GOODNIGHT BES LAVYU!" Malambing na sambit ni Karyl kaya't napangiti na lamang ako. ANG swerte ko talaga at binigyan ako nang isang kaibigang tulad niya.

Class Prodigy Where stories live. Discover now