Chapter 6

431 21 29
                                    

Matthew's POV

Michael calling...

"Hello Pre!" Pagsisimula ni Michael.

"Oh pre? Napatawag ka?"

"Ano kasi pre, kailangan mo daw pumasok sabi ni President kasi kailangan kumpleto tayo ngayon." Napangiwi nalamang ako sa narinig ko sa kabilang linya.

Badtrip naman oh! Kung kelan naman naubusan ng letcheng wax. Nyeta, sobramg pangit ko kaya pag bagsak yung buhok ko para akong basang manok.

"Sige pre. Baka bukas na ako makapasok. Bibili pa ako ng wax eh. Paki sabi naman kay Eryn at kay Ma'am pasensya na." Napakamot nalamang ako sa aking ulo.

"Sige pre." Binaba ko ang aking cellphone at tumungo sa aking kwarto upang iayos ang mga gamit na dadalhin ko sa school bukas.

**

Nagising ako sa napakalakas na tilaok ko, este ng mga manok namin sa labas.

Agad akong naligo, kumain at nagpaalam na kila mama upang tumungo sa school.

Buti nalang talaga at nabilhan ako ni Mama ng wax kagabi dahil kung hindi, kahit anong mangyari ay hindi ako makakalabas ng ganito ang buhok, magkamatayan man.

Napakatagal ng biyahe kaya't alas kwatro ay umalis na ako saamin upang makarating sa school ng alas sais emedya. Tricycle pa naman ang sinasakyan ko kaya mas matagal.

Bumaba ako sa tricycle, at agad inilapat ang aking I.D sa I.D reader na nakalagay sa gate. Bumakas ito at laking gulat ko ng walang mga guards sa guard house na karaniwan kong binabati. Napakibit balikat nalamang ako at pinagpatuloy ang aking paglalakad patungo sa aming classroom.

Sa pagpapatuloy ko ay may nakita akong mga tulo ng dugo. Hindi ko alam, ngunit kusa na lamang kumilos ang aking mga paa, at sinundan ito. Dahan dahan ako at tinitignan ko ng mabuti kung saan patungo ang mga dugo ng biglang nawala ang mga ito.

Unti-unti kong inangat ang aking ulo at nakatayo na pala ako sa tapat ng Old Administration Building.

Dahil sa aking kyuryusidad ay papasok na sana akong ng biglang may humataw sa aking ulo. Unti-unti akong bumagsak at nanlabo ang aking paningin.

**

Nagising ako at nilibot ang aking paningin.

Hindi ito clinic. Hindi din ito ang classroom namin. Nasaan ako?

Puno ng lumang libro at mga lumang trophies ang narito.

Tatayo na sana ako ngunit naramdaman ko ang mahigpit na pagkakagapos ng pareho kong paa at kamay. Nagpumiglas ako sa pagasanh matatanggal ang mahigpit na pagkakatali sa akin pero nabigo ako.

"Hi! Gising ka na pala?" May pamilyar na tinig akong narinig mula sa aking likuran.

Ngayon, ay nararamdaman ko na ang kanyang mga yapak na papalapit sa akin. Agad akong inakyat ng matinding kaba.

"Si-sino ka!!?" Kahit nauutal at nanginginig pinilit kong ang aking sariling magsalita.

"After how many years nating magkasama? Hindi mo na ako kilala?" Tanong niya. Agad siyang napunta sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kanyang mukha.

May malaking peklat ito sa taas na bahagi ng kanyang mukha, nangungulubot ito, at hindi ko maipaliwanag ngunit bigla akong nandiri.

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon