Chapter 2

698 22 17
                                    

Matthew's POV

Sabado ngayon at pupunta pa rin kaming lahat sa school dahil sa practice para sa whole class performance sa Mapeh.

Nilagyan ko ng wax ang aking buhok at tumakbo na palabas ng bahay.

Tintawag nila akong 'Manok' dahil sa ayos ng buhok kong ganito pero sa tingin ko naman ay bagay na bagay sa akin ang ganitong ayos ng buhok.

Sumakay ako sa tricycle at pumunta na sa school.

Pagkadating ko doon nakita ko na nagpapractice na sila. Sh*t late na naman ako. Dahil doon nakuha ko ang buong atensyon nila maging ang aming trainor. Shems, punishment nanaman.

Hindi lang pala sa akin nakatuon ang attensyon nila kundi pati rin sa bagong dating na si Gyreme. Pareho kaming pinagbutterfly.

"Yung dalawang late! Dun sa likod! Butterfly! For 30 mins. Bawat tayo, dagdag 10 mins!" Nakakairitang sabi ng aming trainor.

Tumungo kami ni Gyreme sa likod ng hindi nagpapansinan.

Sinusubukan kong mandaya upang mapadali ang parusa at tumagal ako ng trenta minutos.

"KUYAAAA! SI MATTHEW OH!" Nakakabingi ang pagsigaw ni Gyreme na siyang nangibabaw sa buong gym.

Dahil dito tumagal at tumagal pa akong nakabutterfly. Bwesit na Gyreme!

Makalipas ang ilang oras natapos rin ang parusa at nakasali na kami sa practice.

Sobrang nakakapagod ang mga ginawa naming steps at stunts. Ng nagwater break, napagdesisyunan kong pumunta muna sa locker upang makakuha ng damit at makapagpalit.

Naglalakad ako sa corridor at isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot dito.

Pinindot ko ang passcode ng aking locker, at kinuha ang isang extra shirt doon.

Bago ko ito isara ay may napansin akong isang maliit na bagay na nakatabi sa mga gamit ko.

"Uno card?" Tanong ko sa sarili ko ng kinuha ko ito.

Isang baraha na may numerong sais at kulay na pula.

"Paano napunta ito dito?"

****

Mizpah's POV

Dumiretso kaming lahat sa cafeteria ng school. Halos kami lang ang tao dito maliban sa mga cook at cashier dahil nga sabado ngayon.

Nalibot ang tingin ko sa paligid, at isa lang ang masasabi ko, ANG SAYANG MAPABILANG SA KLASE NA'TO. Yun bang, lahat kami masaya, nagtatawanan, nagsasayahan together. Hindi yung may kanya kanyang mundo. Although maraming nalilink to each other, namely, Karyl at Lemuel, Eryn at Isaac, Thrcia at Melbourne, Gyreme at Matthew at marami pang iba pero kahit na ganun, walang napipikon at walang naasar. Kahit na nagmumurahan, those words sounds like 'i love you' to us. Weird man pero totoo, i just can't imagine my school days without any of them.

"Tara UNO ulit!" Sigaw ni Vann na siyang laging pasimuno sa larong ito. Ito ang kadalasang bonding namin, ang paglalaro ng uno cards.

Nagaagaw na ang dilim at liwanag, papalubog na ang araw at hindi parin kami tapos maguno. Sinita na kami ng guard pero dahil Kay Melody na siyang malakas kay manong guard ay pinayagan parin kaming magstay dito.

Natapos kami ng ang matalo naman ay si Patrick. Pinagtwerk ito sa harapan at lahat kami ay nagtawanan.

Nang matapos magtwerk ni patrick ay pauwi na sana kami ng biglang nambato ng lobo na may laman na tubig si Laurice kay Lyka, hanggang sa lahat na kami'y nagbatuhan ng lobong may laman na tubig.

Kinuha ni Ianne ang Buong karton na may laman na lobo at buong lakas itong isinabog sa aming lahat. Para kaming binato ng itlog iyon nga lang ay tubig ang laman. Napakasarap ng feelinb, lalo na't kasama mo ang mga kaibigan mo.

Class Prodigy حيث تعيش القصص. اكتشف الآن