Chapter 7

412 17 26
                                    

Karyl's POV

Mag aalas singko na ng hapon ngunit wala pa ring nagpapakitang Matthew sa amin. Matapos ang lahat ng nangyari kaninang umaga, ay matinding takot at kaba ang naramdaman naming lahat.

"Michael? Sumagot na ba si Matthew?" Tanong ni Eryn, na kanina pa di mapalagay dahil sa hindi oagsagot ni matthew sa aming tawag

"Wala pa rin eh. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari."  Wika ni Michael.

"Hindi kaya---" di naituloy ni jacob ang kanyang sasabihin ng pinutol ito agad ni Gyreme

"SHUT UP! Hindi ka nakakatulong."

Matapos kong ikwento sakanila ang natanggap kong tawag mula kay matthew kanina ay, kanya kanya na sila ng iniisip na nangyari. Ako? Kinakabahan ako dahil pwedeng mangyari ang hindi namin inaasahan lalo sa mga naganap kanina.

Isa pa, sigurado akong nandito na si Matthew kanina sa school noong tumawag siya saakin dahil ang putok ng baril na narinig ko sa kabilang linya ay narinig din sa buong eskwelahan, at parang napakalapit ng pagbaril sa lokasyon namin kanina.

"I guess it's already time, para bumalik tayo sa mga dorm natin. Papalubog na ang araw at delikado kung maiiwan tayo dito." Pagaanunsyo ni Eryn.

Sumang-ayon ang lahat at nagsilabasan na kami ng aming classroom at tumungo sa Dormitory Building.

Nakokonsensya pa rin ako sa kung anong pwedeng nangyari kay Matthew.

Alaina's POV

Nandito ako ngayon sa aking kama, alasingko emedya na, ngunit wala pa ring balita tungkol kay Matthew. Hindi ko nga alam kung meron pa ba kaming kasama sa eskwelahan na ito eh. Pinauwi ang mga regulars, patay na si Principal, hindi namin alam kung nasaan ang mga teachers, guards, staffs at sa naganap na pagsabog sa gym kanina, sigurado akong wala na ang mga estudyante na naroon. Sa layo ba naman nila sa pintuan ng gym, nakalayo na kami bago pa sila makalabas kaya ayun, mga babagal bagal kasi.

Napagisipan kong lumabas muna ng dorm at magikot ikot.

Dinampot ko ang aking bag, at nagpaalam sa mga roommates kong sila angelika at erika.

"Sisinghot lang ako." Biro ko sakanila na naglalaro ng kung ano sa laptop.

"HUH!? Easy lang Alaina, kasisinghot mo lang kanina. Hahahah!" Tawa ni angelika.

"Tanga, ng hangin. Di ako adik, katulad mo." Natatawa kong sabi.

"Sige ingat ka Alaina." Wika ni Erika, ng hindi tumitingin sa akin, at busy sa laptop.

Nagkibit balikat na lamang ako at lumabas na ng aming kwarto.

Papalubog na pala ang araw. Sobrang tahimik ng paligid at tanging mga yapak ko ang maririnig.

Napagisipan kong pumunta muna sa lumang library sa Old Admin Building, na siyang madalas kong pinagpapalagian. Maliban sa napakatahimik doon, ay kakaunti na lamang ang nagpupuntang mga estudyante dahil sa "creepy" daw ang lugar na yun. Doon ko nakuha ang misteryosong year book.

Pagkapasok ko ng Old Admin, may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko maipaliwanag pero... Ugh, fck that feeling. Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng aking backpack at nagpatuloy sa paglalakad.

Malapit na ako sa Library, ng makaamoy ako ng napakasangsang na amoy. Amoy..... DUGO?

May iilang langaw din ang nasa tapat ng pintuan ng library, hindi ko alam pero bigla akong inakyatan ng kaba. Tumaas ang mga balahibo ko.

Hinawakan kong ang napakalamig na door knob na mas nagpatindi pa sa aking kaba. Pinihit ko ito at.....

"Holy sht." Napamura nalamang ako sa aking nakita.

Nilapitan ko ito para masigurado na siya nga ang taong iyon. Kaawa-awa't wala ng buhay.

Gusto kong sumuka, at maiyak sa aking nakita.

Naliligo siya sa sarili niyang dugo, puno ng bala ang iba't ibang parte ng kaniyang katawan, at nalalapit ng mawasak ang ulo. Hindi na makita ang kaniyang hitsura at hubog ng katawan dahil sa dami ng langaw at iba pang insekto na narito.

"Ma-ma-matt.... thew?" Bulong ko. Napaluha na lamang ako sa sinapit ng aking kaklase. Hindi ko alam kung sinong hayop ang gumawa nito. kingina mo sagad! Walang puso.

Napakuyom nalang ang aking kamao, at hindi pa rin tumitigil ang pagagos ng aking luha.

Nagmadali akong lumabas ng library, para ipagbigay alam ang aking nakita.

Naglalakad na ako palabas ng Old Admin, ng may makita akong anino. Nasisinagan kasi ng sinag ng araw ang maliit na bahagi ng building.

Nagtago ako sa gilid, na malapit na rin naman sa pintuan palabas ng Building.

May hawak itong itong kutsilyo, at mabagal na naglalakad. Katakataka dahil pawang nanginginig ang kaniyang kamay na may hawak na patalim.

Siya... Siya ba ang pumatay kay matthew at sa iba pa? Si-sino siya?

Nagtaka akong ng bigla itong napatigil sa paglalakad. Inakyat nanaman ako ng matinding kaba.

Napaatras nalamang ako ng napaatras, sa pagaasang makakalabas ako ng building at makakatakbo. Sa aking pagatras, may natabig akong vase, na agad nabasag at gumawa ng napakalakas na ingay sa loob ng building.

"SHT!" Mariin kong sabi at mabilis na tumakbo palabas ng building.

Tumakbo ako ng mabilis, sobrang bilis. Ito na ata ang pinakamabilis kong pagtakbo sa buong buhay ko. Hawak ang strap ng aking backpack, nagdadasal ako na sana'y wag niya na akong habulin o maabot man. Pls Wag pa muna. Papatayin ko pa siya. Kingina niya wagas.

Nang matanaw ko ang aming room, agad kumurba ang aking ngiti at nakahinga ng mas maayos kumpara kanina.

"GUYS! This is Alaina! Please Open!!!! HURRY FCKING UP!" pagkakalabog ko sa pintuan ng aming room na halos magiba na sa lakas ng aking pagbugbog dito.

Agad namang binuksan ni erika ang pintuan.

"Anong nangyari? Bat pawis na pawis ka?" Nagaalala niyang tanong.

Pumasok agad ako sa loob at inilock ang pinto at inilagay ang kabinet dito. Nagpunta ako sa mga bintana namin na nakabukas, at isinara ito.

"What's Happening Alaina!?" Aligaga narin ang nga roommate ko dahil sa mga inaasal ko.

Inilapag ko ang aking bag sa aking kama, at napagdesisyunan na sabihin sakanila ang inabot ni matthew at iyong tao sa Old admin, na sigurado akong siya ang may kagagawan ng mga brutal na nangyari.

"Angelika. Pwede mo bang tawagan ang lahat ng kaklase natin at papuntahin mo sila lahat dito sa room natin. Please. I have something important to tell you guys." Sabi ko at agad namang tumango si Angelika.

Class Prodigy Where stories live. Discover now