Chapter 21

291 12 27
                                    

Junnie's POV

Encyclopedia, fictional books, science books, math books yan lang ang mga binabasa ko kaya wala akong knowledge sa mga nangyayari sa amin ngayon. Pak to the highest level! Nasstress ang beautyness!

Napatakip kaming lahat nang buksan ko ang pintuan nang old lib. Halos mabalot nang malalaking langaw ang bawat sulok nang silid. Ang iba naman ay nagkukumpulan sa mga puting telang ibinalot namin sa mga kaklase naming namaalam na.

"Dito nalang." Ani Isaac at inalis na nila ang kanilang mga bisig na nakaalalay sa wala nang buhay na si Paul. Napakabaho nang amoy, napakalansa, parang may trentang babae dito at sabay sabay na dinatnan, kaya ganun na lamang kalakas ang amoy nang dugo. Naghahalo ang mga amoy nang bulok na laman, isama mo pa ang mga nakakadiring langaw at mga insekto.

Kaya ayaw na ayaw ko ang pumupunta at sumasama sa lugar na ito eh. Kaso anong magagwa natin, eh sa lalaki ako. Eh?

"Pat, pakiabot naman yung tela." Pakiusap ni Lemuel, at agad namang kinuha ni Patrick ang telang nakatalukbong sa computer sa sulok.

Pinagtulungan naming balutan nang puting tela ang katawan ni Paul. Pagkalapat na pagkalapat naman nito sa katawan niya , ay nalapatan na agad nang mga dugo at nana ang tela.

"Tara na." Wika ni Isaac at nauna nang lumabas nang silid.

Sumunod na rin kami upang makabalik na sa iba pa naming mga kaklase. Mahirap nang mapagisa baka ang ahas ay napakalapit lang sa'yo.

Alaina's POV

Para na akong masisiraan nang bait sa mga nangyayari. Hindi ko alam at walang nakakaalam kung ilang buwan,linggo,oras,minuto o segundo nalamang ang itatagal namin sa impyernong ito. Isa lang naman sa dalawa eh, mamatay kami o mamatay kami.

Paano kami makakalabas dito? Walang kaming access sa labas. Walang signal ang phones. Kandado ang mga gates at napakataas nang mga bakod dito, na halos hindi mo na makita ang langit.

Tinatahak namin ngayon ang daan pabalik nang aming laboratory. Umalis si Karyl upang hanapin si Sophia at ganun din si Gyreme. Ang mga boys namin ay pumunta sa old lib para iayos ang bangkay ni Paul. Napagkasunduan at napagdesisyunan namin na mas mabuting bumalik na muna kami sa Lab. Sabi kasi ni Eryn kung sumama kaming lahat sa paghahanap ay baka maulit lang ang mga nangyari at may mahihiwalay nanaman.

Parang binagyo ang laboratory namin lalong lalo na yung table na katabi nang pintuan. Ganun din yung bag na nakapatong dito na malapit nang mahulog parang nagmadali lang yung kumuha nang kung ano sa bag.

Dahil sa kyuryusidad ko ay nais kong buksan ang bag. Kainis kasi, nakakacurious talaga. Nagiisang bag na nakapatong sa table tas parang kinayod pa nang manok tas mukhang maraming laman, baka may kung anong makakain, nagugutom ako.

"Alaina..." Pagkahawak na pagkahawak na pagkahawak ko palang sa zipper ay narinig ko ang pagtawag ni Erika.

Napahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil sa gulat.

"Oh. Parang nakakakita ka nang multo." Aniya at napatawa nang kaunti.

"Wala. Wala. Pasulpot sulpot ka kasi agad diyan." Walang buhay kong sabi atsaka siya nilampasan.

Alas dos na nang hapon ngunit hindi pa rin kami nakapagtanghalian. Wala pa namang nagrereklamo na nagugutom na sila, at ang nakakagulat dito, maging si Angelika ay hindi pa nakakaramdam nang gutom. Dala siguro nang mga pangyayari. Dumating na rin ang boys, at nagunahang pumunta sa cr para makaligo dahil hindi daw nila kayang dalhin pa nang matagal ang amoy nang old lib na kumapit na sakanilang mga katawan.

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon