Chapter 16

230 11 19
                                    

Third Person's POV

Mag gagabi na ng magsibalikan ang mga magkaklase sa kanilang classroom. Kahit na hindi sila nakakain ng tanghalian, ay hindi sila nakaramdam ng gutom dahil sa lungkot ng sunod sunod na pagbawi sa buhay ng kanilang mga kaibigan.

"Guys... kain na tayo. Dinner is ready." Pagtatawag ni Michael sa mga kaklase. Matamlay ang boses nito at parang walang gana.

"Wala akong gana." wika ni Sophia na kanina pa umiiyak.

"Ako din." Sabi ni Patricia habang nakatingin sa kawalan.

"Guys. Kumain na tayo. Hindi maibabalik ng pagpapagutom niyo ang mga buhay nila. Baka kayo pa madeads jan." Wika ni Lemuel.

Walang ganang tumayo ang bawat isa at pumunta sa lamesang ginawa nila para sa kainan.

"Guysss." Pagbasag ni Chloe sa katahimikan.

Nagtinginan sa kanya ang lahat.

"Bakit ganito? Bakit nangyayari 'to?" Hingpitan niya ang paghawak sa kanyang kutsara, at unti unting bumuhas ang kanyang luha.

Agad siya tinugunan ng kaibigan na si Carmela.

"Shhh." Hinahagod nito ang likod upang mapakalma ang kaibigan.

Natapos silang kumain at bumalik sa kanya kanyang posisyon sa kanilang classroom. Nakalatag ang mga comforters. Malaki ang kanilang room kaya't sa kanan ang mga babae at sa kaliwa ang mga lalaki.

"GOODNIGHT GUYS!" Anunsyo ni Eryn, at kanya kanya na sila ng posisyon sa pagtulog. Nakalock lahat ng bintana. Nakababa lahat ng kurtina at ganun din ang dalawang pintuan.

**

"GUYS! Nakita niyo ba si Paul!?" Nagulantang ang lahat ng biglang napasigaw si Melbourne.

"Oo. Nagpaalam siya sakin kaninang maagang maaga na naccr na daw siya." Sagot ni Neiru. Dalawang room ang pagitan sa Cr at sa kanilang room.

"AY SHIT! Bat di mo sinamahan?" Patrick

"Eh. May sasama na daw sakanya sabi niya eh. Ewan ko dun." Neiru

"Sino naman daw?" Odessa

"Ewan di ko na narinig kung sino kasi hinila na siya agad baka, ihing ihi na." Neiru

"May kasama nanaman pala eh. Don't worry. Sino ba kasama niya Neir?" Tanong ni Erika

"Ewan. Wala naman akong nakitang kasama niya nung umalis siya kasi sabi niya nauna na daw siya. Di na rin niya nabanggit kung sino." Napakibit balikat na lamang si Neiru.

Kanya kanya sila ng ayos ng kanilang mga hinigaan at sabay sabay kumain ng almusal.

Matapos nilang kumain ay napagisipan nilang magkwentuhan tungkol sa kanilang mga epic moments together.

"Tangna nung nalate tayong lahat kay Mam Gina, kasi nakiponsyano tayo kina Vann." Natatawang sabi ni Jean.

"Tro! Hahahahha. Tas nung nasa jeep tayo nun, kanta tayo ng kanta, tas kaming dalawang may opera, pa yung umupo sa lapag." Wika ni Sophia at kumusilap

"Aba, kasalanan namin? Sus nagenjoy naman kayo. Harooot!" Gyreme

Nagpatuloy lamang sila sa pagkukuwentuhan at pagtatawanan. Bawat isa sa kanila ay iniisip kung maaari pa bang maulit ang masasayang pangyayari. Hindi maiiwasan ng ilan ang mapaluha, habang inaalala ang mga ito, dahil sa sitwasyon nila ngayon, di nila alam kung makakalabas pa ba sila ng buhay at magkakasama.

Class Prodigy Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum