Chapter 14

262 18 19
                                    

Lemuel's POV

Napamura na lamang ako ng mariin ng biglang nasira ang laro ko sa panaginip ko dahil Kay Patrick. Kay ingay nitong nimal na'to.

Minulat ko ng kaunti ang aking mga mata, tumambad sa aking harapan ang pawis na pawis at iyak ng iyak na si Karyl, nagpapanik rin si Patrick. Shet anyare? Kingina iniiyakan ba nila ako? Mamatay na ba ako? Agad kong ipinikit ang aking mata. Jusko

Napasigaw nalamang ako ng Kung ano ano, DOUBLE KILL, 1V1, mamimiss ko ang computer games kung sakali mang mamatay na ako. Para naman kahit papano diba.

"Hoy! Gungong! Bumangon ka. Si Laurice, kaharap ang kamtayan!" Para akong nabalik sa aking kaluluwa ng marinig ko ang sinabi ni Pat.

Agad agad akong tumayo, at dali dali kaming lumabas sa aming kwarto.

Kasama si Karyl na iyak ng iyak, tinahak namin ang madilim na hallway, na puro rooms ang nasa gilid. Di na namin naharap buksan ang ilaw dahil sa pagaalala.

Binilisan pa namin ang paglalakad, at parang tumatakbo na kami ngayon, medyo malayo din kasi ang room nila Karyl sa amin.

Pagdating namin sa harap ng kanilang kwarto, sira ang pinto at sobrang kalat ng kwarto. Bukas ang bintana at puro talsik ng dugo ang puting pader.

"Fuck!" Napamura ng mariin si Pat, habang iniikot ang paningin sa kwarto. Habang si Karyl ay mas lumakas at tumindi pa ang paghagulgol.

Inakbayan ko na lamang siya at hinagod ang kaniyang likod upang maibsan ng kahit kunti ang kaniyang nararamdaman.

Pumasok kami, at ginulat kami ng nakawiwindang at kalunuslunos na nangyari kay Laurice. Huli na nga kami dahil binawian na siya nang buhay.

Hinatak ko si Karyl at pinatangis sa aking dibdib, upang hindi na siya masaktan pa sa sinapit ng aming kaklase.

"Tawagin mo ang iba" utos ko kay Patrick at agad namang sumunod.

"Shhhhh. It's okay. Stop crying please. I'm here." Pagpapatahan ko kay Karyl na patuloy parin ang pagiyak.

"Si-si La-laurice. K-kasa-lanan koooo." Pautal utal man dahil sa paghikbi ay naintindihan ko parin at ramdam ko ang pagsisi sa kanyang boses. Mas ibinaon ko ang ulo niya sa aking dibdib at hinagod ang kanyang buhok.

"Shhh. It's not your fault okay?" Sabi ko ngunit patuloy pa rin ito sa pagiyak.

Muli kong sinulyapan ang bangkay ni Laurice. Gusto kong masuka dahil sa kalagayan niya. Wala ang kanyang isang mata, at ptuloy amg pag agos ng masaganang dugo mula dito. Malapit na ring lumabas ang isa niyang mata. Ang kanyang hitsura na hindi na mamukhaan. Puno ng hiwa, may buo buong dugo, at iyong iba ay laman pa yata na patuloy na tumutulo sa sahig.

Sa kanyang bunganga, may patalim na nakabaon dito at tumagos pa hanggang sa kanyang leeg. Ang kaniyang dila ay nasa kanyang kandungan. Sht! Nakakadiri. Halos humiwalay na rin ang kaniyang ulo sa kaniyang katawan dahil sa malalim at malaking hiwa sa kaniyang leeg.

"WHAT HAPPENED HU---- HOLY SHT!" Agad napamura si Gyreme at nanlaki ang kaniyang mga mata sa nasaksihan na kalagayan ng aming kaklase.

Agad napaangat ang ulo ni Karyl. Nandito na pala ang iba naming kaklase.

"Fck! SINONG HAYOP ANG MAY GAWA NITO!?" Halos magwala na si Patricia.

Class Prodigy Donde viven las historias. Descúbrelo ahora