Chapter 18

298 14 2
                                    

Patrick's POV

Mga ilang minuto na rin ang lumipas nang lumabas kami ng Laboratory para hanapin si Paul.

Lahat ng gwapo sa room namin ay sumama, in other words ako lang. Joke, lahat ng lalaki sa amin ay sumama sa paghahanap, may ilan namang mga babae, t at halos lahat na ay naiwan.

"Guys! Paano kung nasaksak na si Paul?" Busisi ni Nicanor

"Huh!? Di magandang bi--"

"Nang baba niya!! HAHAHAHA!" Bigla siyang humagalpak ng tawa.

"Wag ka ng magbiro jan. Manahimik ka at maligo ka naman mamaya, nangangamoy bulok na medyas ka nyeta!" Lemuel

"Ay grabe siya oh." Sagot niya at napapout. Shit nakakadiri. Char

Nang makarating kami sa Cr ng boys, at sa tapat nito ay Cr naman ng mga girls. Pumasok kami sa cr namin syempre, pero wala kaming nakitang Paul.

Inikot namin ang likod at sa tapat ng Cr pati nga cr ng girls napasok na rin namin eh. Pero wala pa ring Paul na nagpakita sa amin.

Pabalik na sana kami nang Lab ng biglang nagingay ang speaker ng School.

"Hi 9-Lavoisier" isang malamig na boses ang inilabas ng speaker. Pansamantala kaming napatigil sa paglalakad, at nagkatinginan.

"Ma..may buhay pa maliban sa atin?" Tanong ni Jacob. Sa pagkakaalam kasi namin, ay kami nalang ang tao dito sa school. Nothing more,nothing less.

"Yung killer?" Michael.

"Hindi. Maari nga ang sabi ng iba. Maaring kaklase natin ang.... salarin." Malamig ba wika ni Isaac

"Lahat ng nasa labas na Lavoisier students, bumalik kayo sa Laboratory room. Ngayon na! Kung ayaw niyong mawalan nanaman kayo ng isang kaibigan." Para akong tinakasan ng pagkalalaki sa narinig ko. Nagkatingin ulit kami at nagsilakihan ang aming mga mata. Walang ano ano'y nagsitakbuhan kaming lahat pabalik ng lab.

Hindi alintana ang pawis at pagod, ang tanging nasa isip ko lamang sa panahon na ito, ay ang makabalik sa Lab sa pagasang malikigtas kung sino man ang hawak ng killer.

Pagkadating na pagkadating namin sa Lab, habang nasa pintuan, kitang kita namin ang pgaalala sa mukha ng mga kaklase namin. Tanga! Bat kasi walang naiwan na boys dito.

Matapos nila kaming tignan dahil sa pagpukaw namin sa atensyon nila agad nilang ibinalik ang tingin sa TV namin sa Lab.

Parang nanlambot ang mga tuhod ko ng makita si Paul, na nakagapos.

"Okay. Very Good Dogs. Magsisimula na tayo sa game." Wika niya at tumayo sa harapan ni Paul at kumawaykaway sa amin. Hindi namin alam kung nasaan sila, madilim ang paligid at tanging ilaw lamang ng Pendant Light ang tumutugon para masilayan namin si Paul ang ang salarin

. Nakasuot siya ng maskara ng Jabbawockeez. Kung hindi ako nagkakamali, babae. Babae siya. Kahit nanlalambot, tinungo namin ang mga babae naming kaklase na naiwan, at marahang pinatahan sila. Sabay sabay kaming tumingin sa TV. Humahalakhak lamang ang taong kasama ni Paul. Para siyang ipokreta! Hayop siya! Kingina!

"May mga tanong ako dito. Kapag nagsinungaling kayo, isang pokpok ng martilyo ang mararamdaman ng hinayupak na ito." Wika niya at lumapit kay Paul, at hinihimas nito ang ulo ng aming kaibigan na parang isang aso. Tinanggal niya ang tali sa mga kamay ni Paul at inilapag sa mesang kakakuha niya. Kitang kita namin ang pagpalag ni Paul, ngunit parang naramdaman ko rin ang sakit p ng pinukpok niya ng martilyo ang mga ito.

Class Prodigy Where stories live. Discover now