Chapter 11

353 19 20
                                    

Third Person's POV

"Guys uno nalang tayo. Ang lulungkot kasi ng mga mukha niyo." Pagaaya ni Vann na agad namang sinangayunan ng mga kaklase.

Naglaro ang lahat at nagbalik ang kanilang kasiyahan, tawanan at asaran pansamantala.

"Guys, nakita niyo ba si Mizpah?" Tanong ni Sophia, na siyang unang nakatapos.

"Baka nageemo dun sa kabilang building." Wika ni Claudine.

"Or baka naman nagsuicide na." Sarkastikong wika ni Alaina habang umirap sa hangin.

"Nandiyan lang yun sa paligid. Makikita mo din yun, sa laki niya ba naman. Hays. Oh ikaw na Patricia." Wika ni Gyreme na parang sanay na sanay sa baraha.

"Guys ano kaya kung hanapin natin siya?" Suhestiyon ni Rina.

"Wag na, nagliwaliw lang yun. Nandiyan lang yun. Hayaan muna natin siyang makapagmoment." Sabi ni Glynn.

Natapos ang kanilang paglalaro. At napagisipan nilang magkwentuhan na muna.

"Guys, paano kung Ngayon na ang last day ko. Paano kung mamaya, ako na pala ang papatayin ng sinasabi niyong killer? Any last words bebeh." Paul

"Sana ay umiksi na ang baba mo." Natatawang wika ni Lemuel.

"Tangna, paul, di ka mamatay dahil sa killer. Yumuko ka lang, bye bye world ka na." Pangaasar ni Patrick.

"Grabe naman kayo kay Paul" sabi ni Anna, at napairap.

"HAHAHAH. NANGANGAMOY PATIS!" Pangaasar nila sa kaklase.

"Si Nicanor lang yun." Hirit nanaman ni Lemuel.

Nagtawanan ang magkakaklase at nagpatuloy sa pagkwekwentuhan at tila nalimutan na ang kaklaseng si Mizpah na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita.

Mizpah's POV

Nagising ako ng sobrang sakit ang aking buong katawan. Sumasakit din ang aking batok at ako ay nahihilo. Nilibot ko ang aking paningin at nasa Chemistry Room pala ako.

Hahawakan ko sana ang masakit na bahagi ng aking ulo, nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkakatali ng aking mga kamay. Sinubukan ko ring magpapapadyak ngunit nakagapos rin pala maging ang aking mga paa.

Pinipilit kong sumigaw kahit na mayroong busal ang aking bibig. Sobrang lakas ng mga nagagawa kong ingay ngunit malabong may makakarinig sa akin maliban sa kanya.

"Kamusta na my Dear." Nakakakilabot ang napakalamig niyang boses. At tumayo mula sa pagkakaupo. Tanging pagungol lamang ang nagagawa ko bilang pagtugon.

"Kawawa ka naman.." Sarkastikong wika niya at unti unting lumapit saakin. Agad kumurba ang nakakatakot na ngiti sa kanyang mga labi. Unti unti niyang tinanggal ang busal sa aking bibig dahilan para mapaubo ubo ako.

"ANONG GAGAWIN MO SA AKIN!? ANO!? WAG WAG! WAG MO KONG PATAYIN, PARA MO NG AWA." Di na ako nagaksaya pa ng panahon na sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

Unti unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at muli, ngumiti ito ng sarkastiko. Mas lalo kong nadipina ang kanyang kalunuslunos na hitsura. Halos hindi ko siya makilala dahil sa napakalaking peklat sa kanyang mukha, na mukhang nagdaan sa napakatinding paghihirap. Sa hitsura niya, isa lang ang nasisigurado ko, isa siya sa pamilyang binuo namin sa loob ng tatlong taon.

Bigla nalamang akong nagpaulan ng mga nakakabinging tili na siyang ikinatakip niya ng kanyang tainga.

"Shut up bitch. Kanina mo pa ko iniinis hayop ka. Una, sinikmuraan mo ko, pangalawa yang bwesit na tiling yan. PUNYETA KAHIT MAGTITILI AT MAGLABAN KA PA, MAMATAY KA!" kitang kita ko ang panlilisik at galit sa kanyang mga mata. Napahagulgol na lamang ako.

Class Prodigy Donde viven las historias. Descúbrelo ahora