Chapter 8

380 21 50
                                    

Third Person's POV

Nagtipon tipon ang mga magkaklase sa Kwarto nila Alaina.

"Bat mo kami pinatawag?" Nagtatakang tanong ni Thricia.

"Nakita ko na si Matthew....." Nakayuko si Alaina, at bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot.

"Sa-saan!? Bakit hindi pa siya pumupunta sa room namin?" Tanong ni Glynn at Jacob na silang roommate ni Matthew.

Hindi na napigilan ni Alaina ang kanyang emosyon at Agad bumuhos ang kanyang luha.

"He-he's gone." Napatulala ang lahat ng kaniyang mga kaklase sa kanyang sinabi.

"Sabihin mong nagbibiro ka lang alaina, That's not funny!" Sabi ni Patricia, na may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Look, I'm not joking. I AM FCKING SERIOUS here" sagot nito sa kaklase.

"A-ano? Nasaan siya? Paano" Di mapigilan ni Gyreme ang kaniyang sarili, at tuluyan na ring bumagsak ang kaniyang luha na kanina pa nagbabadya.

"Nakita ko ang katawan niya sa Library ng Old Admin...... And.... he was killed brutally." Pagpapatuloy ni Alaina.

"OMYGAAWD!" Hindi na maipinta ang mga mukha ng magkakaklase. Lahat sila'y nalumbay sa nasayang na buhay ng kaklase.

"Puntahan natin ang bangkay niya." Nanginginig na sabi ni Vann

"Omygosh! Kailangan na din nating mahanap si Princess!" wika ni Lyka, na siyang matalik na kaibigan ni Princess.

"Bakit!? Saan siya pumunta?" Nagtatakang tanong ni Lemuel.

"Nagpaalam siya na pupunta ng Canteen. Since, nagugutom naman na kaming lahat sa room namin eh, nagpabili na rin kami." Wika ni Angeline.

"WHATTTT!? Bakit Hindi niyo sinamahan?" Tanong ni Sophia.

"Sinubukan namin pero sabi niya kaya na niya." Sagot ni Angeline at Lyka.

"Anong oras siya umalis?" Tanong ni Rina.

"Right after Eryn dismissed us." Lyka.

"Its already 7:30, and she's not yet here! Mygoodness!" Sabi ni Carmela.

"We'll divide the class. Sasama ako sakanila para hanapin si Princess, Isaac at ang iba pa na gustong makita ang bangkay ni Matthew, Go! Magkita-kita tayo dito sa dormitory building at exactly 8:30 okay? Remember, wag kayong hihiwalay sa mga kasama niyo." Sabi ni Eryn at agad silang bumalik sa kani-kanilang rooms para kumuha ng mga flashlights at jackets dahil sa malamig na simoy ng hangin.

Princess' POV

Pagkarating na pagkarating namin sa aming room, ng pinabalik na kami ni eryn dito ay, agad akong nakaramdam ng matinding gutom. Naalala ko na hindi pa pala ako naglunch dahil sa mga nangyari. At sa kasamaang palad, ayun wala na pala kaming stock ng pagkain dito.

"Guys, sinong gustong magpabili. Pupunta ako ng canteen." Sabi ko

"Ako!"  Sabay na sabi ni Angeline at Lyka.

"Okay."

"Samahan ka na namin." Sabi ni Angeline.

"Di ako na. Kaya ko na to." Sabi ko at lumabas na ng aming room.

Sobrang tahimik ng paligid, sa isang araw na trahedya na nangyari, andaming nagbago. Dati kapag ganito, marami akong nakakasalubong na mga estudyante, teachers basta maraming tao, pero ngayon magisa lang akong naglalakad, at tanging malakas na ihip ng hangin at aking yapak lamang ang maririnig.

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon