Chapter 1

925 27 17
                                    

Third Person's POV

"YESSSS!" Giit ni Erika habang ipinapadyak ang kanyang dalawang paa dahil sa tuwa.

"Sa wakas! Tapos na ang exaaaam!" Pagsama sa kanya ng kaibigang si Anna.

"Tara guys UNO!" Sigaw ni Vann, sa harapan at nakuha neto ang buong atensyon ng buong klase.

"May isang set ako ng uno cards! Idagdag niyo. Sa dami ba naman natin." Natatawang saad ni Allysa.

Bumuo ng isang malaking bilog ang buong klase. Tatlong set ng uno cards ang ginamit nila upang magkasya para sakanilang lahat.

"Sige. Ang matatalo, magkacrab walk mula dito sa lab papuntang gym." Natatawang sabi ng Kanilang Valedectorian na si Melody.

"HAHAHA! Masaya to!" Ani paul at pumuwesto.

Sobrang saya ng buong klase, dahil sa sunod sunod na pagod at fatigue ang naramdaman nila sa dumaang pagsusulit.

Sila ay nabibilang sa STE CURRICULUM.

SCIENCE TECHNOLOGY AND ENGINEERING O STE STUDENTS, kilala bilang pinaka matatalino, pinakamayayaman at pinakadesente sa buong paaralan. Pili lamang ang mga nabibilang dito, kaya't swerte mo kung ika'y nabilang sa kanila.

Mataas ang tingin sa kanila ng iba at respetado.

"UNO!" Sigaw ni Sophia.

Hanggang sa naibaba niya na ang kanyan hulinh card. Agad itong tumayo at iwinawagayway ang walang lamang palad.

"Hahahah! Sino kaya ang magkacrab walk? Patricia o Junnie!?" Nangaasar na wika ni Neiruberg.

Maingat ang dalawa sa bawat card na kanilang ibinababa. Hanggang sa bumaba sa 3 ang baraha ni Patricia at si Junnie ay Mayroon pang 7.

"Nangangamoy crab walk junnie! Hahahaha!" Pagpapatawa ni Melbourne sa gitna ng seryosong laro ng dalawa. Nakapalibot ang buong klase sakanilang dalawa. Nagaabang kung sino ang makakuha ng Parusa.

"UNO!" Sigaw ni Patricia at agad nabalot ng nakabibinging sigawan ang classroom.

"Ugh! Malas naman. Nakita ko kasi pagmumukha ni Melbourne! Hays dun ka nga!" Napangiwi su Junnie at ibinaba ang isang Baraha. 

Agad kumurba ang matamis na ngiti ni Patricia. Sa huling pagkakataon ibinaba niya ang kanyang huling Baraha na Kulay Pula at Ika-6 na numero.

"HAHAHAHHA! Paano kaya magcrab walk ang mga talunan?" Pangaasar ni Laurice sa kaibigan.

"Che!" sagot ni Junnie.

Agad umayos si junnie at nagposisyon na parang isang tunay na alimasag sa sahig. Lahat ng kanyang mga kaklase ay nasa kanyang gilid at sumusunod sa bawat galaw na kanyang ginagawa.

Tuwang tuwa ang lahat, hindi alintana ni Junnie ang sakit ng kanyang mga palad at nangangawit na kanyang mga tuhod at hita dahil sa posisyon.

Ng makarating sila sa finish line, ang gym ay agad tumayo si Junnie at pinagpag ang kanyang mga palad ganun na din ang mga alikablk na kumapit sa kanyang pantalon.

"Tara na balik na tayo sa room!"  Sigaw ni Princess.

"ANG MAHULI MANLILIBRE NG LUNCH BUKAS!" Sigaw ni Lyka, at dali daling nagsitakbuhan ang mga estudyante pabalik ng kanilang classroom.

Para sa lahat, ay isa ito sa pinakamasayang bonding ng kanilang klase. Naglalaro,nagaasaran, at laging masaya.

"Enjoy, like it is the last day that you'll see each other happy. Because it is." Bulong ng isang taong nakamasid sa nagtatakbuhan at nagkakasiyang mga estudyante.

Class Prodigy Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora