Chapter 17

286 15 24
                                    

Isaac's POV

"Ang tagal mag cr ni Paul ah. Ano yun nilamon na?" Natatawang wika ni Melbourne.

"Sino bang sumama sa kanya?" Angeline

"Di ko talaga nakita guys sorry." Neiru

"Hindi kaya... Yung killer ang nakasama ni Paul?" Suhestiyon ko. Kanina ko naiisip ang masamang ideya na ito ngunit hindi lang talaga ako mapakali.

"Ano Isaac!? Ayon kay Neiru, kaklase daw natin yung sumama kay Paul. Wag mong sabihin na isa sa'tin ang salarin? Hindi!" Wika ni Melody at humalukipkip.

"Sa panahon ngayon, mahirap magtiwala. Di natin alam, baka kumaibigan tayo ng ahas." Malamig na wika ni Alaina na nakapagpakaba sa aming lahat.

"Mas mabuti pa kung icheck natin kung nandito ba tayong lahat maliban kay Paul, para malaman natin kung sino ang sumama sa kanya." Eryn.

"Better." Sabi ni Carmela at kumusilap sa hangin.

Binilang ni Eryn ang mga kaklase na nasa loob ng kanilang classroom, ibinawas niya ang mga kaibigang namaalam, at si Paul.

"Kompleto naman. Binawa ko na sina Matthew,Princess,Mizpah,Laurice at si Paul." Wika ni Eryn.

Napakamot na lamang kami ng ulo.

"Halos isang oras na siyang wala. Lumamig na rin tuloy yung breakfast. Tara nga baka nalock sa cr yun, alam niyo naman may sira yung doorknob ng cr ng boys." Suhestiyon ni Lemuel.

"Mas mabuti pa nga." Jean

"Tara na guys." Michael

"Maiwan nalang kami dito, bantayan namin yung mga gamit at yung foods." Ani Ianne, mga sampo rin silang nagpaiwan. Sumama ako, dahil responisbilidad ko ito bilang bise presidente.

Lumabas kami ng lab at tinahak ang daan patungong CR habang ang ilan ay nanatili roon.

Paul's POV

Minulat ko ang aking mata, hilong hilo pa rin ako dahil sa inispray ng baliw kong kaklase kanina. Sht. Mas lalo pang lumala ang aking pagkahilo dahil sa Down Light Pendant na nagsuswing sa aking ulunan, at gumagawa ng mahina at creepy na tunog. Nakaupo ako sa isang armchair, nakagapos ang aking mga kamay at pa at may duct tape ang aking bibig. Sobrang dilim ng paligid at tanging ang Pendant Light lang na halos dumampi na sa aking ulo ang nagbibigay ilaw sa buong kwarto.

May napansin ako sa aking kandungan. Isang card. Isang uno card? Red, no. 6.

Luminga linga ako, injections,gamot at iba pang hospital tools ang nakita ko. Nasa clinic nga pala ako.

Pilit akong nagpupumiglas at nagpapapadyak, gusto ko ring gumawa ng ingay ngunit wala akong magawa kundi ang mapahagulgol. Ako na ba? Ako na ba ang susunod?

Ilang sandali pa at biglang bumukas ang pintuan ng clinic. Naririnig ko ang mga yapak ng pumasok. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang narito. Narito siya para tapusin ang buhay ko.

Agad akong nanginig sa takot ng palakas ng palakas ang mga yapak. Hanggang sa nasilayan ko na ang kaniyang katawan na papalapit sa akin.

"Nandito na ako. Pasensya ka na kung natagalan hah. Daming arte ng mga kaklase natin eh." Wika niya at itinutok ang flashlight sa kanyang baba. Ang mga ngiti niya ay ibang iba sa nakikita namin araw-araw. Ang mga ngiti niya ay parang mga ngiti ng isanh tunay na demonyo.

Hindi ako makapagsalita dahil sa nakadikit na tape sa aking bibig. Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Agad akong nanlumo ng makita ito ng malapitan. Ang dating makinis niyang mukha ay nadungisan ng nakakadiring peklat. Nakapagtataka dahil wala ito kanina noong sana'y sasamahan ko siya sa Cr at sasamahan niya rin ako.

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon