Chapter 10

327 17 15
                                    

Third Person's POV

Iyak ng iyak ang mga magkaklase dahil sa sinapit nang dalawa nilang kaibigan.

"Nakita ko 'to sa ilalim ng drum kung saan naroon ang katawan ni Princess." Wika ni Isaac habang ipinapakita sa kanyang mga kaklase ang uno card.

"May nakita rin kami sa katawan ni Matthew." Dagdag pa ni Patrick.

"Uno cards?" Nagtatakang tanong ni Odessa.

"Yup. Pero, may mga letters na nakasulat. Matthew got letter A and Princess got letter E" pagsasalaysay ni Junnie.

"Sa tingin niyo coincidence lang 'tong mga nangyayari. Yung brutal na pagkamatay ni Principal,nung freshman na STE, yung pagsabog na ikinamatay ng halos lahat ng STE students, yung nakakasukang pagkamatay ng dalawang tindera sa canteen, at ang nakakasurang sinapit nila Matthew and Princess" nagtatakang tanong ni Jean habang napatingin sa mga kaklase.

"No. You're an airhead if you think that all of these happenings are coincidence." Malamig na wika ni Alaina habang nakatingin sa kawalan.

"You mean, may nagplano ng lahat ng 'to? Short word is, killer?" Nagpapanic na tanong ni Mizpah at agad niya itong sinundan ng nakakabinging tili.

"Shut up!" Bulyaw sa kanya ni Erika na naririndi sa nakabibinging tili.

"Kailangan nating magingat. In horror movies or stories, killers have no mercy. They'll kill you as an animal and in the way they wanted." Bulalas ni Ianne na mas lalong nagbigay ng matinding takot sa lahat lalong lalo na sa takot na takot na si Mizpah.

"Emegesh! Guys. emegessshh!!!! Kailangan na nating umalis." Sigaw ng sigaw si Mizpah ng napakalakas at nakasisira ng tainga.

"Calm the fck up. Di ka nakakatulong." Wika ni Alaina kaya't napatakip nalamang sa kanyang bibig ang kaklase.

"Bukas na bukas din, we'll going to leave the school. Kahit ano pang mangyari aalis tayo dito nang magkakasama." Sabi ni Eryn at pilit pinapalakas ang loob ng kanyang mga kaklase.

"Sleep now guys, we'll wake up early tomorrow. Para mas maaga tayong makaalis. Ayoko na dito. I'm so scared." Sabi ni Carmela na hinahaplos ang magkabilang braso.

**

"Guys wake up!" Pinagpapalo ni Melody ng unan ang mga karoommate na sina Anna at Ianne.

Kinuskus ng dalawa ang kanilang mata hanggang sa maalala na ngayon sila aalis ng paaralan.

Inayos nila ang kanilang gamit at isinuot ang kani-kanilang mga jacket upang maiwasan ang lamig sa labas.

Pagkalabas nila sa kanilang room, ay naroon na lahat ng kanilang mga kaklase at tila sila nalang ang hinihintay.

"Sleepyheads!" Bulong ni Chloe, kaya't napakamot nalang sa ulo ang tatlo.

"Let's go? Nandito na ba lahat?" Tanong ni Eryn.

"Yupp" sigaw ng lahat at nagpatuloy na sila sa paglalakad patungo sa kanilang school gate, habang hatak hatak ang kanilang malalaking maleta at backpack.

Napakatahimik ng paligid, tanging ihip ng hangin at mga yapak nila ang naririnig, at syempre ang kulitan at asaran ng mga lalaki, at ang napakalas na pagkanta ni Gyreme kahit na mali mali ang lyrics.

Habang nasa tapat ng gate, pinagmasdan nila ang napakatayog na gate na kasing pantay ng mga bakod, at wala talaga silang makita na kahit ano sa labas nito.

Di na nagdalawang isip ang magkakaklase at nilapitan ito.

"Guys..." Halata ang pagkadismayado sa boses ni Isaac.

Class Prodigy Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang