Chapter 4

505 22 17
                                    

Gyreme's POV

Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa puti naming kisame. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga kinuwento sa amin ni Angeline kanina.

Paano kaya kung nabuhay kami ng mas maaga, paano kaya kakayanin ng maganda kong sikmura ang mga ganung sitwasyon.

Eh paano kung ----

*KRIIIIINGGGGGGF KRRRIIIIING!*

"Ay tangina!" Napamura ako ng mariin ng biglang tumunog ang phone ko sa aking gilid, na may kasama pang vibration na ginising ang napakaganda kong diwa.

Mama calling...

Si mama lang pala.

"Hello Ma!" Pagbati ko at umupo ako sa aking kama galing sa pagkakahiga.

"Anak! May good news si mama." Napakasaya ng tono ni mama na para bang gusto ko ng umuwi sa amin. 

"Ano po yun?" Tanong ko.

"May bago na tayong aso. Husky!" Hindi parin nawawala ng energy sa boses ni mama.

Ah aso. Hahaha nyeta, to talagang si mama oo. Pinagaksayahan pa ng load ang pagbabakita sa akin na may aso na ulit kami.

"Hahaha. Mama naman. Ano pong pangalan niya?" Ako

"Yun nga anak eh wala pa kaming naiisip na pangalan. Ano kayang pwede? Ikaw na lang magbigay." Pahayag ni mama.

"Uhm..."

Nagiisip ako ng magandang pangalan para sa aso namin ng biglang may narinig akong iyak sa kabilang linya. Tsk tsk, nagaaway nanaman yata ang mga kapatid ko.

"Anak, sa weekends nalang tayo magusap pag uwi mo dito hah. Umiiyak si George eh, tsaka pa expire narin tong load ko. INGAT ka jan anak. I love you!" Pagmamadali ni mama.

"Sige Po. I love you too Mama--"

**TOOT TOOT**

Muli akong bumalik sa pagkakahiga. Exited na tuloy akong umuwi sa bahay. Tuwing weekends lang kasi kami nakakauwi sa mga bahay namin, at minsan ay nababawasan pa dahil sa letcheng Practice during Saturdays, pero yung iba pinipili paring umuwi sa bahay during fridays, kaya ayun late dumating sa mga practice, tulad ko at ni Matthew.

We're staying in our School dormitories na nasa loob din ng campus. Magkakahilera ang mga dorm ng babae at katapat naman namin yung sa mga boys. Odessa is my roommate.

"Sheeeet! Ayan na sheet! Magkikiss na sila. Put*ngina! Papatayin kitang babae ka! Wag na wag mong idampi yang pumuputok mong labi sa labi Ng Bogum ko HAYOOOOPPPP! Sabing waaag eh!" Kaharap ang laptop, sumisigaw na naluluha si odessa habang nanunuod ng paborito niyang kdrama. The reason why I have the biggest eyebags. Nakakaloka kaya yung sigaw niya, abot yata hanggang sa kabilang building yun eh.

"Shh! It's already 10 pm, shut that fcking laptop and go get some sleep." Mahina kong sabi sakanya ngunit parang wala siyang narinig at patuloy parin ang panlulumo dahil nahalikan na ng babaeng karakter si Bogum. Hahahaha!

Hinila ko ang aking kumot hanggang sa aking ilong at tanging mga mata ko lang ang nakalabas.

Nilalamig ako. Hindi naman namin swinitch yung aircon. Pero bat ang lamig.

Napatingin ako sa kaliwa ko, at naiwang nakabukas ang bintana namin, dahilan para hanginin ang mga kurtina.

"You left the window open. AGAIN." Mariin kong sabi kay odessa pero nginitian lang niya ako ng nakakaloko at nagpuppy eyes. Letche!

Dahan dahan akong bumaba sa aking kama at inabot ang mga bintana at hinila para maisara.

Bumalik ako sa aking kama at pinilit ipikit ang aking mga mata.

Nakukuha ko nang matulog at magsisimula na sanag tumulo ang aking laway, pero ito'y naudlot ng binulabog kami ng isang napakalakas na katok sa aming pintuan.

"Open the door Mrs. Gummy." Panunuya ko kay Odessa para naman pumayag.

"Ayoko nga. Mamaya kung sino pala yan. Di mo ko makukuha sa mga pautot mo Maria Gyreme!" Sagot niya.

I really had the worst roommate! Mygash!

Wala na akong nagawa kundi bumaba ulit sa aking kama at lumapit sa pintuan.

Bago ko ito buksan, isang nakabubulabog na katok muli ang narinig ko.

Agad akong inakyat ng takot at kaba, at bigla kong naisip ang mga ikinuwento ni Angeline. Paano kung isang empaktang bungo pala ito. Paano kung multo pala to!? Jusko shet help!

"Si-sino yan!?" Nauutal kong sabi at inilapit ko ang aking mukha sa pintuan.

"Sila Anna to. Please open!" Narinig ko ang boses ni Banana, kaya dali dali ko itong binuksan.

Tumambad saakin ang 6 na siguradong hindi magpapatulog sa amin.

"Pwedeng dito kami makitulog?" Tanong ni Angelika.

Agad namang nilatag ni Erika at Alaina ang mga dalang comforters sa baba.

"Nagtanong ka pa." Bulong ni Alaina.

"Bat kayo nandito?" Tanong ni Odessa habang iginigilid ang kanyang laptop.

"Kwentuhan tayo Horror." Sabi ni Ianne.

"Gusto ko yung mala Angeline hah. Yung totoo talaga." Sabi ni Melody na inaayos ang kanyang mga dalang pantulog.

"I'm not a fan of horror stories so don't expect that I could share." Sabi ko. Totoo naman di ako mahilig buti sana kung romance or something about love or hugot, share ko lovestory namin ni Matthew. Ay joke! Harot niyo naman mga beh.

"Ano na. Nakadekwatro't nakalagay ang kanang kamay sa ulo habang nakaharap sa amin na tanong ni Anna.

"Feeling ko, yung mga naikwento sa atin ni Angeline kanina, hindi pa yun lahat." Bulalas ni Anna

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Erika.

"You mean, marami pang kababalaghan or creepy situations?" Tanong ni Ianne at agad tumango si anna.

"True! I agree!" Sabay taas ni Alaina ang kanyang kamay.

"When we went to the library last month, if im not mistaken, I saw a year-end book. Lumang luma na, i guess hindi pa tayo nabubuhay eh meron na yun." Napabuntong hininga si alaina at nagpatuloy.

"Yung cover niya, isang masayang klase, kung saan lahat ng estudyante ay nakangiti at napakamapayapa ang mga hitsura nila .Sa ibabaw ng class picture may nakasulat na 'DEATH' parang dugo ang ginamit na pansulat, and that book really creeps me, so I decided to Keep it."

"WHAT THE HELL!?" Sigaw ni Odessa. Napakaweird talaga nitong si alaina.

Unti unti niyang binunot sa bag niya ang isanag lumang libro, at ipinakita niya sa amin ang lahat ng isinalaysay niya kanina.

**

Class Prodigy Where stories live. Discover now