Chapter 12

355 17 33
                                    

Alaina's POV

"Guys mag gagabi na wala pa rin si Mizpah." Bulalas ni Sophia na kanina pa nagaalala.

"Di kaya umuwi na yun?" Napakamot si Apple sa kanyang ulo.

"Tangeks! Paanong uuwi, eh nakalock nga yung gate, lumipad? Lumipad?" Sarkastikong wika ni  Mae.

"Nandiyan na rin yun mamaya, baka naghanap lang nang signal, kaya medj natagalan." Sabi ni Karyl.

"Oo nga." Pagsangayon naman ni Laurice.

Kanina pa kami naghihintay kay Mizpah. Nagawa na namin lahat ng mga pwedeng gawin para malibang. Palubog na ang araw ngunit ni anino ay wala pang nagpapakita saamin.

"Hindi kaya...." Napatigil si Ianne, at tila ba may napagtanto.

"Sa mga books kasi, kapag may ganito katagal ng nawawala, posibleng hawak siya ng salarin, at pwede ring...." Napatigil siya ngunit alam naming lahat ang ibig niyang sabihin.

"Sabi ko kasi sainyo dapat hinanap na natin siya." Wika ni Rina at umirap.

"Tayo din lang kasi ang gumagawa ng ikapapahamak ng iba sa'tin eh. That's what you call "Family"? Tsk." Umiling iling si Angelika.

"Hindi naman kasi sa lahat ng oras, nakadepende tayo sa isa't isa. Kailangan din nating matutong tumayo sa sarili nating ma paa." Sagot naman ni Odessa. Nagsisimula na ang mainit na sagutan sa pagitan ng ilan.

"So ibig mong sabihin, hayaan nalang natin na lagasin tayo ng letcheng killer na yan? Save yourself and let the others be the baits?" Nakapamaywang na saad ni Carmela, na bakas ang pagkadismaya sa tinuran ni Odessa.

"Hindi. Hindi ganyan ang ibig kong sabihin okay? Nagkamali ka ng pagkakaintindi." Umiling iling nalamang si Odessa.

"Guys, tama na yan. Hindi makakatulong kung magtatalo tayo." Wika ni Eryn.

May nagbabalak nanaman sanang magmagaling at magsimula ng paninisi at pagtatalo kaya't inunahan ko na, dahil kanina pa ko naririndi, bwisit!

"Sige magtalo pa kayo, magsisihan pa tayo, makakaligtas kayo niyan eh. Pagnagsisihan ba at nagaway kayo jan dahil sa mga kinginang mga pinaglalaban niyo eh maibabalik ang buhay ni Cess at Matthew? Babalik si Mizpah dito?" Hindi ko napigilan ang sarili ko, kalamado ngunit pinagduldulan ko sakanila ang bawat salitang binitawan ko.

Natahimik silang lahat at wala ni isa ang kumibo matapos kong magsalita. Matapos ang ilang minuto, mulinh binasag ni Melody ang katahimikan.

"Guys, mabuti pa siguro kung bumalik na tayo sa mga rooms natin, delikado na lalo na't malapit ng dumilim. Ipagpabukas na lamang natin ang paghahanap kay Mizpah, kung hindi pa siya bumabalik, pero sana ay may makita na tayong Mizpah sa pagsikat ng araw." Tuwina ng aming Valedictorian, na si Melody kaya't lahat na lamang kami ay napasunod.

Third Person's POV

Nagsibalikan na ang magkakaklase sa kani kanilang room, para maiwasan ang banta ng kamatayan sa lumalalim na gabi.

Napabuntong hininga na lamang si Karyl at napahiga sa kanyang kama.

Magaalas onse na ng gabi ngunit gising parin si Laurice at Karyl.

Napakatahimik ng paligid at tanging ang pagbubtong hiniga lamang ni Karyl ang maririnig.

"Laurice. Ano sa tingin mo 'tong nangyayari? Karma ba to bes?" Sabi ni Karyl habanag nakatingin sa Puting kisame ng kanila kwarto.

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon