Chapter 19

302 10 10
                                    

Sophia's POV

"Ahhhh! Pakawalan mo kong hayop ka!" Hatak hatak niya ang aking dalawang kamay palayo nang aming classroom.

"Saan-saan mo ko dadalhin!?" Aligaga kong tanong

"Kay Kamatayan......" Napalingon siya saakin at dumampi ang nakakakilabot niyang ngisi sa akin.

"HAYOP KA! MAMATAY KA NA!" Nanggagalaiti ako sa galit. Siya? Siya ang may pakana nang lahat nang ito. Kalokohan.

"Mauuna ka." Humalakhak siya nang humalakhak at ipinasok ako sa CR.

Ibinalibag niya ako na siyang dahilan nang paghapdi at pagkirot nang aking sugat sa tagiliran. Wala pang isang buwan simula nang maoperahan ako kung kaya't alam kong sariwang sariwa pa ang sugat.

"Napakswerte ko. Akalain mo nga naman, dalawa ang magagapi ko sa araw na ito. Tss. Di na ako magtataka, kaya ko nga kayong pagsabay sabayain kaso, gusto ko isa isa eh." Tumawa siya na parang isang nasiraan nang bait, parang? sa tingin ko sira na talaga ulo niya.

Nakapamaywang siya sa harapan ko habang ako ay namimilipit sa sakit, hindi ko magawang gumapang dahil matinding kirot ang namamayani sa buo kong sistema.

"Bakit mo ginagawa 'to?" Para akong baliw sa tinanong ko, umiwas siya nang tingin sa akin at tumingin sa kawalan.

"It's too early to reveal it, dear." Ngumisi siya bago nagtapon nang napakadilim na tingin sa akin.

"Wag mong gawin to, naalala mo ba yung masasayang ala ala natin? Diba pamilya tayo? hindi pa huli ang lahat para magbago--"

"Tanginang yan! Hindi na ako mababago! Those damn memories of our class together? I'm willing to kill each of those memories and burn them all without any regrets. Family? I don't have a fucking family. None, kahit isa!" Napasigaw siya at kitang kita ko ang mga litid niya habang dinuduro ako at parang pilit niyang ibinabaon sa akin ang mga salitang iyon.

"Hindi.... Hindi totoo yan. Nandito kam--"

"WALA KANG ALAM, TANGA! Tumahimik ka nalang!" Agad akong inakyat nang kaba nang binunot niya ang isang patalim sa kaniyang bulsa at naglakad papalapit sa akin.

Hinawakan niya ang magkabila kong panga gamit ang isa niyang kamay, ramdam ko ang pagbaon nang kaniyang mahahabang kuko sa aking pisngi, at naramdaman kong umaagos na pala ang pulang likido na ayokong makita.

"One more word, at mapapaaga ka."

Nanlamig ang buo kong sistema at parang kinakain ako nang aking takot. Napasigaw ako nang hiniwa niya nang maliit ang aking pisngi.

Ang sakit. Sobrang sakit.

"AHHHHHH! HAYOP KA!" Kasabay nang nakabibingi kong sigaw ay ang pagtulo nang aking luha.

Naglakad siya papunta sa gitnang bahagi nang aking katawan. Ang aking tiyan.

"Wa...wag mong ituloy ang bi--binabalak mo." Nanginginig ang boses ko dahil alam ko kung ano ang susunod niyang gagawin.

Pinaglaruan niya ang patalim na hawak niya at pinagpapalitan nang tingin ang aking tagiliran na may tahi at ang kanyang patalim. Shit. No.

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon