Chapter 20

248 16 13
                                    

(Sorry sa napakalate na ud, naging busy kasi sa school at katatapos lang nang exam hihi)

Gyreme's POV

Napatakip kaming lahat sa aming bibig nang makita ang kagimbal gimbal na sinapit ni Paul.

Napasabunot na lamang ang karamihan sa mga lalaki, nawalan nanaman kami nang unique na kaibigan. baba niya kasi. Joke lang Paul wag mo 'kong multuhin.

"Boys, dalhin niyo na yung katawan ni Paul sa Old Lib" wika ni Eryn. Alam kong namomroblema na rin 'tong si president pero pilit parin siyang nagpapakatatag bilang presidente namin.

Alam ko, kahit labag sa kalooban nang mga lalaking ito dahil sa pagngiwi nila at halos maiyak ay tumango na lamang sila.

Napatakip silang lahat sa kanilang ilong nang lapitan ang kalunuslunos na sinapit ni Paul.

Bago ilabas nang boys ang katawan ni Paul ay nakita ko ang paglapit ni Alaina sa katawan nito at parang may hinugot na kung ano, mula sa katawan ni Paul.

Lasog lasog ang mga laman niya na parang kahit anong oras ay pwede itong humiwalay sa kaniyang mga buto.

Napaiwas na lamang ako nang tingin nang idinaan nila ito sa harap ko. Hindi ko kayang tingnan.

"GUYS!" Nakuha ni Karyl ang aming atensyon. Napatigil sa paghagulgol at tanging paghikbi na lamang ang ginawa nila.

"Si Sophia?" Kunot noong tanong nito.

"Guys, nakita niyo ba si Patricia?" Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan nang clinic at iniluwa nito si Odessa na napakamot na lamang sa kanyang ulo.

"Nasa likuran natin si Pat kanina. Kasama natin siyang pumunta dito. Baka nanjan lang yun." Ani Angelika na mukhang nagpagaan sa pakiramdam ni Odessa.

"Guys! Si Sophia din! May nakakita ba sakanya?" Natatarantang tanong ni Karyl.

Nagkatingin kaming lahat at tyaka nagkibit balikat.

"Shit!" Huling salita niya bago nagmadaling lumabas nang clinic.

Palabas na sana ako nang clinic upang sundan si Karyl at sumama sa paghahanap kay Sophia nang biglang hinigit ni Thricia ang kamay ko.

"Wag tayong magpadalos dalos, baka plano nang killer yun. Mas mabuting magdoble ingat tayo." Ani niya

Anong gagawin namin dito tutunganga?

"Putangina eh may nawawala. Plano nang killer? Plano nang killer na patayin ang mga nagiisa kung may pagkakataon at si Sophia, sigurado akong wala siyang kasama, wait lemme rephrase that, baka kasama niya na ang killer. Putangina sige magtitigan tayo dito at isang buhay nanaman ang mawawala." Hindi ko napigilan ang sarili ko. Inalis ko ang kamay niyang nakapulupot sa braso ko at mabilis akong tumakbo palabas nang clinic.

Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung ligtas bang maghanap ako nang magisa lang. Pakiramdam ko'y may nakamasid sa akin.

Napayakap ako sa aking sarili nang umihip nang napakalakas ang hangin. Mas lalo akong niyakap at nilamon nang takot nang maramdaman ko ang pagtayo nang aking balahibo. Shit, hindi maganda to.

Dinala ako nang aking mga paa sa open field na sobrang lawak. Buong tapang kong tinahak ang madamong daanan na nagdudulot nang kati at kiliti sa aking binti.

Napatigil ako nang May naaninag akong tao sa di kalayuan. Sino yun?

Dahan dahan akong naglakad papalapit dito, at kung siniswerte nga naman, may malaking puno malapit kaya't maaari kong isiksik ang laman ko dito para magtago.

Class Prodigy Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ