Chapter 24

224 7 4
                                    

Killer's POV

Hahahaha! Ang tatanga! Napakatatanga. Ewan ko ba bat nakasama tong mga to sa STE, puros walang utak. Lalabas nanaman sila, edi tiba tiba nanaman ako.

"Tara na!" Ani Eryn. Sabay sabay kaming lumabas, at syempre ng medyo nakakalayo na kami ay umiba na ako ng direksyon.

Mukhang pursigido ang mga to na mahahanap pa nila si Claudine. Tsk! Baka mahanap.

Nang may makita akong poste, ay agad kong isiniksik ang sarili ko dito. Palakad na sana ako sa ibang direksyon ng kung saan sila tutungo ng may marinig akong mga yapak na papunta saakin. Mukhang may nakatunog ah. Magaling.

Hinintay kong makalapit ang taong sumunod saakin, hanggang sa masilayan ko ang kanyang mukha.

"Ba... bakit ka umiba ng way?" Tanong niya.

"Wala naman, gusto ko lang mapagisa."

Inilabas ko ang dala kong uno card na nakalagay sa bulsa ng aking pantalon sa likod at pasimple itong pinalipad, di ganong kalayo mula sakanya.

"Ano yon?!" Tinuro ko ang uno card na pinakawalan ko na syang nakakuha ng kabuuan ng kanyang atensyon.

"Sandali at titignan ko." Lumakad sya palayo saakin, habang naiwan naman akong may ngiti sa mga labi.

"Uno card. Red. Number 6." Wika nya na may halong pangamba sa kanyang mukha.

"Ohhh. Ganda naman nyang card na yan. Itago mo. Remembrance! Hehe." Painosente kong sambit.

"Ano bang sinasabi mo?! Delikado mapagisa ngayon. May masama akong kutob, itong card na'to, lahat ng namamatay may nakukuhang ganitong card sa mga bangkay nila. Baka kung ano ang mangyari satin. Baka.... baka tayo na ang isusunod nya! Halikana, sumunod na tayo sakanila." Hinawakan niya ang aking kamay at hinhila niya akong sumunod sa iba.

Buong lakas kong hinila pabalik ang aking kamay, dahilan para mapatigil siya sa pagkaladkad sa akin. 

"Ano bang pakialam mo?!" Ipiniglas ko ang aking kamay na mahigpit niyang hinawakan, ngayo'y magkaharap na kami.

"Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon? Buhay ang pinaguusapan dito, kapag nahiwalay ka siguradong mawawala ka!" Sigaw niya at nagbabadya na ang mga luha sa kanyang mga mata. Hahaha, I like that, wala pa nga akong ginagawa naiyak na.

"Hahaha! I was so amazed Mae! So alam nyo na pala ang pattern. Alam nyo na pala ang mangyayari kapag nakakuha kayo ng uno card. Ang galing. Kahit konti pala may kokote naman pala kayo hahaha pero konti lang." humagalpak ako sa tawa.

"A-ano?" Ramdam ko na ang takot. Gusto ko pa! Moreee!

"Alam mo Mae, sa pagsunod mo sakin, mas inilalapit mo ang sarili mo sa impyerno." Napangisi ako nang masilayan ko ang kanyang reaksyon nang bigkasin ko ang mga salitang iyon.

"A-anong ibig mong sabihin?" Napaatras siya habang nanginginig ang buong katawan niya sa takot kaya mas lalo akong nagalak na tapusin siya.

"Boba!" Hinila ko siya at sabay itinarak sa kanyang leeg ang pocket knife na may katas ng pampatulog.

Mae's POV

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon