Chapter 23

251 10 12
                                    

Jacob's POV

Kanya kanya kami ng sulok dito sa aming laboratory. Yung iba nakatunganga at nakatingin sa kawalan, ang iba nililibang ang sarili sa kung anong bagay at ang iba naman ay mukhang may pinaguusapan.

"Cob, nakita mo ba si Claudine?" Tanong ni Eryn.

"Hi-hindi. Pero nakita ko siyang lumabas kanina ng room, mukhang sumunod ata kay Neiru." Sagot ko.

"Oh. Speaking of Neiru, kanina pa lumabas yon ah, maghahapunan na di pa rin bumabalik." pahayag ni Eryn.

"May napagsabihan ba siya kung saan daw siya pupunta?" Tanong ni Melody

Itinaas ni Jean ang kanyang kamay.

"Tinanong ko siya bago siya lumabas, sabi niya magpapahangin lang siya" pahayag neto.

"Napakatanga, pinain ang sarili." Bulong ni Alaina na agad namang sinaway ng kanyang mga kaibigan.

"Eh si Cluadine?" Tanong ni Allysa.

Nagkibit balikat na lamang ang ilan sa amin, at walang nakapagsabi patungkol sa pagalis ni Claudine.

"Jusko, ano na kaya nangyari sa dalawang yon." Nagaalalang wika ni Carmela.

"Hahaha! Baka gumawa na ng milagro, ano sa tingin mo Pre?" Sabay hampas ni Patrick sa likod ni Lemuel.

"Gago." Napatawa na lamang si Lemuel dahil sa sinabi ni Patrick, maging kaming ibang mga lalaki ay natawa din sa tinuran niya.

"Baka magkasama sila, babalik din ang mga yon." Wika ni Melbourne.

"Guys!" Natawag ni Michael ang lahat ng atensyon namin.

Napalingon kaming lahat sa kanya, habang siya ay nakatayo sa may pintuan at may bitbit na mga paper bags.

"Tignan niyo to, may nagiwan ng pagkain para sa atin. Mainit init pa oh." Tuwang tuwa niyang sabi, napalitan ng ngiti ang biyernes santong mukha ng mga kaklase ko. Tsk, mga mukhang pagkain talaga silang lahat.

"Mukhang galing sa mamahaling restaurant ah, matagal na rin akong nagkecrave sa ganyang mga pagkain." Takam na takam na wika ni Thricia.

"Pagsaluhan na natin." Angelika.

"Teka hindi ba natin hinhintayin sila Neiru at Claudine?" Tanong ni Glynn.

"Tirhan nalang natin sila, nagugutom na ko." Saad ni Isaac at siya namang nasunod.

Inihain namin ang mga laman ng paper bags sa laboratory table namin. Inihanda ng mga babae ang mga pinggan at ang mga kutsara.

"Napakarami naman nito, parang isang buong baboy na kinatay sa fiesta." Wika ni Mae.

"May kasama na rin palang kanin dito. Kung sino man ang nagbigay neto, jusko hulog ng langit." Ani Chloe.

"Guys kakain na." Tawag ko sa kanila.

Nagsiupuan na kami at sisimulan na naming lantakan ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan. Halos lahat kami ay takam na takam na dahil, noong mga nakaraang araw ay puro gulay at kakaunting laman ng baboy lamang ang kinakain namin, dahil na rin tinitipid namin ang mga pagkain dito.

Ibinigay saamin ni Eryn ang mga lalagyan na may takip. Eksakto ang mga lalagyan na may lamang kilawen sa aming naroroon lamang, hindi ba dapat ay sobra ng dalawa?

Nagsikuhanan na kami ng kanin, at sabay sabay naming binuksan ang mga pinaglagyan ng mga ulam namin. Umalingawngaw ang napakabangong amoy ng kilawen.

Sa isang malaking lalagyan, nakalagay ang napakaraming soup. Kumuha si Angelika ng maliliit na bowl at isa isa niya kaming binigyan.

"1,2,3! LAFANG NA MGA BESH!" Giit ni Karyl na parang nakalimutan ang lungkot sa pagkawala ng ilang mga kaibigan niya.

Class Prodigy Where stories live. Discover now