Prologue

1.3K 31 12
                                    

4 days after.

"I'm not sure if we're going to survive this kind of bullsht!" mangiyak ngiyak na saad ni Carmela.

"Cha! Calm yourself. We're not going to die." Pagpapatahan sakanya ng kaibigang si Chloe.

Nagtitipon tipon ang magkakaklase sa kanilang classroom. Ang iba'y umiiyak, ang iba'y pinapasawalang bahala nalang ang kanilang buhay at ang iba'y nakatingin sa kawalan.

Nagulantang ang lahat at halos humiwalay na sa kanilang katawan ang kanilang kaluluwa sa gulat ng may narinig silang kaluskus ng isang matalim na bagay sa labas ng kanilang classroom.

"Pumunta kayo sa likod namin." Maotoridad na saad ni patrick sa mga babaeng kaklase at silang mga lalaki ang nasa harap ng pintuan at mistulang naglalaro sila ng patentero dahil sa mga kamay nilang nakaunat, upang protektahan ang mga natatakot na kaklase.

Agad bumalibag ang pinto at ito ay unti unting bumukas.

Isang taong, hindi maaninag ang mukha ang tumambad sakanilang harapan. Ito'y may hawak na itak sa kaliwa at isang pocket knife sa kanan

"Miss me?" Wika nito at lumapat ang kakila kilabot na ngiti sakanyang mga labi

"Sino ka!?" Matapang na tanong Lemuel

"Oh dear? Hindi mo ako kilala?" Tanong nito.

Kulubot ang mukha nito. Para itong nalapnos ng likido. Sa taas ng mukha nito ay nababalot ng na nakakatakot na mga kurba, at kulubot na halatang dumanas ng matinding hirap ng nakaraan.

"Sige. Siguro hindi pa ito ang oras para makilala ninyo ako. Let's have some fun CLASSMATES! Hope you'll enjoy this bloody game that I prepared for all of you." Ngumiti ito, at binalibag ang pintuan ng classroom.

Naglakad ang tao palayo sa classroom at kumurba nanaman ang matamis ngunit kakila kilabot na ngiti sa kanyang labi.

"All of you will pay! All of us will suffer!GET YOUR FCKING AND USELESS LIVES READY!" Wika nito at mas binilisan pa ang paglalakad.





     [CLASS PRODIGY]

Class Prodigy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon