Prologue and Chapter 1

951K 12.8K 1.5K
                                    

 PROLOGUE

.

.

.

I always thought to myself that if ever I had the chance to turn things around, will I do it?

Or if I ever had the chance to run away from the start, will I run or stay?

Truth is.. I do not know. I do not know anymore.

Maybe if I was asked to run away from the moment we had laid our eyes on each other, I would probably grab the chance to run away from him.. from that scary, cold and heartless gaze.

But why and how will I ever want to escape his cold gaze when I am already trapped in his warm heart?

I am already under his spell and this world.. this world wherein I would never ever dare to make a mistake. I am lost here. I am lost in his world.

Hah! Why did I ever let myself fall anyway? He's conceited! A high class jackass. A Casanova at its finest. A certified jerk. Okay, he's rich, HOT and one of a hell goddamn good looking! But what the hell?! That guy could kill me! He even brought death near me!

I chose to stay and be lost with him even if it means facing death.

I gazed at the antique framed mirror and looked at myself.

Who would have thought that an ordinary girl like me could be a threat to the world?

 .

 .

 .

I was sold and here I am, owned by a Mafia Boss.

He took me and bought my life. I was bound to make him my master, my lord and my god but me?

I will do anything, everything to be his everything, his world and the life he lives.

 .

 .

It's either walk and live or stay and die

.

What will you choose?

 .

.

.

.

~  ~ ~

CHAPTER 1

Tahimik kong hinihintay ang oras at nagmamasid sa dala kong maleta nang biglang nagring ang cellphone ko.

"Natalia, maghanda ka na. May isang itim na kotse ang susundo sayo dyan. Limang minuto, Natalia." Bago pa man ako makapagsalita ay naibaba na ni Mama Rose ang tawag.

Huminga akong malalim tsaka dahan dahan na inilabas ang mga maleta ko. Muli kong tinignan ang kwartong kinagisnan ko sa loob ng dalawampu't dalawang taon. Hindi pa rin ako makapaniwala na maaring ngayong gabi ay mabago na ang mundo ko.

Kumatok ako sa pintuan ng aking ina, nagbabakasakaling pagbuksan ako ng pinto pero wala akong natanggap na sagot.

"Ma?" Tawag ko sakanya habang kinakatok ang pintuan nya. Nakailang katok ako ngunit wala pa rin suamsagot kaya pinasok ko na ang kanyang silid and there I found her, sitting on her old rocking chair while starring at our small garden. "Mama, aalis na ako. Andyan na ang sundo ko mamaya maya."

I waited for her to answer but it never came. Few minutes more and I know I might not see her again for a long time. And here she is, treating me coldly when she knows I'm doing this not just for myself but for her, too. Nilapitan ko sya at lumuhod ako sa harap nya upang makita ko sya at mahawakan ang kanyang kamay.

"Ma, aalis na ako. Ganyan pa ba ang pabaon nyo sakin?" Pagbibiro ko sakanya ngunit di natinag ang paningin nya sa labas. Nagbuntong hininga ako at hinalikan sya sa pisngi.

Mabigat ang loob kong tinatahak ang daan papuntang pintuan, bago pa man ako makaalis ay inilapag ko ang kanina ko pang hawak na sobre na naglalaman ng Php 50,000 at muling nagpaalam. "Aalis na ako mama, baka mahuli ako sa flight ko. Bibisitahin at tatawagan ko kayo kapag nakaluwag ako. Itong allowance mo muna ma para sa dalawang buwan. Huwag ka na mag-alala sa ibang babayarin, nabayaran ko na ang kuryente at ang upa sa bahay. Paalam. Mahal kita, mama." At bago pa ako tuluyang maiyak, naglakad na ako papalabas sa bahay.

I lied. I wasn't going to work abroad. I'm going to sell myself. Sorry, mama.

I saw two men in black suit na nakatayo sa gilid ng isang itim na kotse. They are really here. I sighed once more habang papalapit ng papalapit sakanila. Agad nilang kinuha ang dalawa kong maleta at inilagay sa compartment.

Napatingin ako sa relo ko, 6:00pm pa lang. May dalawang oras pa akong natitira upang maging malaya. Anong gagawin ko? Tatakas ba? May pagkakataon pa naman siguro ako. Maari kong patigilin ang sasakyan at tumakbo palayao. Hindi na importante ang mga gamit ko basta makatas lang ako.

I suddenly surrendered from the thought of escaping. Why would I escape? Hindi nga ba para sa kinabukasan namin ni mama ito? Mababago na ang buhay ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit makatulog. This is how I am gonna enjoy my last free hours.

~

Nagising ako sa isang busina ng sasakyan. When I opened my eyes, isang puti at malawak na mansion ang bumungad sakin. Andito na pala kami?

Muli kong tinignan ang relo ko, mag-aalas siyete na pala. May isang oras din ang byahe. At ibig sabihin nun, isang oras din ako nakatulog. Sapat na siguro yun para makaipon ng malakas na enerhiya para sa gabing ito.

Automatic na nagbukas ang garahe matapos bumusina ang sasakyan. Pinababa ako sa may grand entrance. Halos malaglag ang panga ko dahil sa nakikita ko.

Nakakalula ang mansion. Very classic and white mansion.

"Natalia!" Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.

"Mama Rose!" Bati ko sakanya. Sa wakas ay may kakilala na ako.

"Halika na, kelangan mo na maghanda. Maguumpisa na mamayang magsidatingan ang mga bisita." Aniya habang kinakaladkad ako papunta sa second floor ng mansion. Dali dali nya akong pinasok sa isang napakalaking kwarto. Halos mapatid ang aking hininga dahil sa pagkamangha!

"Like what you're seeing, Natalia Gale? Ilang oras na lang ay sa ganitong bahay ka na titira." Nakangisi nitong sabi. Right, dahil ilang oras na lang ay ibebenta na ako. "Dalian mo, maligo ka na!" Aniya habang tinutulak ako papunta sa banyo.

Mabilis ang ginawa kong pagshower . Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko ang isang itim na halter gown na may malaking slit sa ibaba. Pinasuot ito ni mama Rose sakin tapos ay may pumasok upang ayusan ako.

Tahimik kong sinusuot ang white gold na kwintas kong niregalo sakin ni mama noong ika-18th birthday ko. Napakasimple ng kwintas kong ito. Ang pendant nito ay ang initials ko: NGV.

Muli kong sinubukang kilalanin ang taong nasa harap ng salamin ngayon. Hapit ang bandang itaas ng gown sa katawan ko na naging dahilan ng paglitaw ng kurbada ng katawan ko. Nasisilayan ng bahagya ang dibdib ko dahil na rin sa deep-cut ang korte ng gown. Isa't kalahating pulgada mula sa bewang ko ang slit. Nakataas din ang itim at mahaba kong buhok. Ang mga mata ko ay nakakaakit dahil na rin siguro sa smokey style ang ginawa sa eyeshadow ko. Maging ang kilay ko ay isinang-ayon sa pagkatao ko – fierce and feisty. Ang labi ko ay pulang pula. Paano nga ba namang hindi lilitaw ang napakapulang labi ko kung ang kutis ko ay likas na maputi at lalo pang lumutang ang kaputian ko dahil sa itim kong suot.

"Natalia." Narinig kong tawag sakin ni Mama Rose mula sa pinto. Nilingon ko sya at nginitian.

Panigurado ay nag-umpisa na ang party sa ibaba. Ayon kay mama Rose, bandang alas-diyes ng gabi mag-uumpisa ang auction samin. Oo, tama, auction. Ibebenta nila kami.

Tahimik akong nagmumuni-muni sa loob ng kwarto. Maaga pa naman, halos mag-aalas nuwebe pa lamang ng gabi.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang lahat dahil pinapangako ko na matapos ang gabing ito, kakalimutan ko ang dating ako.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon