11

335K 8.2K 761
                                    

A/N: After a long time, may update na. Lol. Eto na priority ko na story. :) So yeeeep, watch out for The LeFevre Series. :)

Chapter 11

I woke up at 7:15 am. 9 am pa naman ang klase ko, pero ayoko namang maghabol ng oras kaya sinadya kong magadvance ng gising ng 45 mins.

I decided to go down and have my breakfast first bago maligo at mag-ayos. Inisip ko pa nga kung tama ba ang gagawin ko, baka kasi andun pa si Marcus. Ayoko kaya syang makita! Buti nga eh bukas dun na ko sa apartment titira. Pero at the end, tinuloy ko ang balak ko na mag-agahan. Pasado 7 am naman na eh, siguro naman nasa trabaho na yun ngayon. Eh tingin ko yung lalaking yun yung tipong sobrang dedicated sa trabaho na wala pang alas siyete ng umaga eh nasa opisina na tapos pag-uuwi naman eh halos madaling araw na.

I didn't bother changing my clothes, suot ko pa rin ang pantulog kong loose white t-shirt at maluwag na pajama, pero naghilamos ako ha!

And salamat at wala nga sya dun! Pumasok na sya! Hay. Salamat di ko sya makikita. Aba! Malas makakita ng isang asungot sa umaga ano.

Pagbalik ko sa kwarto ay inumpisahan ko na maligo. Akala ko nga okay na ang lahat kaso pagpasok ko sa napakalaking walk in closet, halos mamatay ako kakahanap ng pwedeng casual na damit na isuot para sa isang ordinaryong estudyane kagaya ko.

Ugh. Estudyante.. nanaman! Aba naman, kakagraduate ko lang tapos heto nanaman ako. Ano ba tong mundong pinasok ko.

Dahil nga nahirapan ako magdecide, lahat ng nakita kong pwedeng pamasok ay inilapag ko na lamang sa kama.

Matang mata ko pinagmasdan ang mga damit sa ibabaw ng kama ko, nakasuot pa rin sakin ang puting bathrobe, yun nga lang ay hindi na nakasara ito. Nakakatuwang isipin na pabathrobe bathrobe na ako samantalang dati ay nakatapis lang ako ng twalya. Biglang sosyal.

"Natalia." Saglit akong nawala sa sarili kong mundo nang magbukas ang connecting door sa  pagitan ng kwarto namin ni Marcus.

I saw him quite surprised while staring at me. Nagtaka naman ako kung bakit sya ganun makatitig tapos di nagtagal ay nabuo ang nakakaloko nanaman nyang ngiti.. Problema nito.

Umaktong ubo ito bagi nagsalita. "Hintayin kita sa baba, be there in 30 minutes." Aniya. Akmang aalis na sana sya kaso ay binalik nito ang tingin sakin.. pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko nahuhubaran ako sa mga titig nya. "At magbihis ka nga, wag mong idisplay yan katawan mong mataba."


Namula ang mukha ko sa sinabi nya. Nang matauhan ako ay agad kong sinara ang nakabukas kong robe. "Bastos!" Sigaw ko dito sabay bato ng pinakamalapit na unan na napulot ko pero huli na ang lahat dahil naisara na nito ang pinto kasabay ng malakas nitong tawa.

Hindi pa rin maisip sa utak ko ang nangyari kanina. Kaya nga eto, tahimik ako sa kotse ni Marcus. Pag tinitignan ko ito, nasa labi pa rin nya ang pilyo nyang ngiti. Nangaasar lang! Bwisit talaga tong asungot na to.

Nakarating na kami sa LeFevre International, dun sa main office nya muli akong dinala and as expected, ang kapatid nyang si Felix.

Nagulat nga ako kaunti nang pinagbuksan ako ni Felix ng pintuan at nang nakalabas ako ay kinuha pa nito ang kamay ko sabay halik sa likod ng palad ko.

Buti pa to, gentleman. Kung sana nung binenta ako, eto na lang nakabili sakin edi sana hindi ako maglilinis ng mansyon mamaya. Biwset!

"Natalia!" Medyo pasigaw na tawag sakin ni Marcus. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero otomatiko kong inalis mula sa kamay ni Felix ang kamay ko.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon