52

249K 5.2K 829
                                    

AN: Sorry ngayon lang update. Was busy the whole week. Midterms kasi eh. :(( Pambawi, may update ulit sa monday! =)

AND PLEASE PLEASE, I NEED FEEDBACK ON THIS CHAPTER. Thank you!

CHAPTER 52

I was definitely pissed after Marcus told me that I have to go home, medyo kinabahan din naman ako but when I eventually found out that he wanted me home for no reason, dun na ako nabwisit. I was supposed to have my first day of training! Ugh. Nakakahiya pa kay Nathaniel dahil umuwi ako agad, he was so accomodating tapos iniwan ko na lang sya basta basta and I had to make up lies pa para lang makauwi.

At bilang pangbawi ko, I treated him for lunch the following day. It was Sunday pero nagkita kami. We just ate lunch and hanged out. We watched a movie and then strolled around the boutiques. I was in a particular boutique and was about to fit a shirt when I thought I saw Kim. Pinilt ko syang hinabol, I saw her went out of the boutique pero nang lumabas na ako, I saw no signs of her. I was dead sure that I saw her, although short hair version nya ata nakita ko, I saw her. She was even wearing a plain green shirt and a jeans! It was very unlike her na magsuot ng ganun, but I swear, that was her.

After seeing her, I asked Nathaniel na samahan ako maglibot sa mall – although hindi ko sinabi yung dahilan. Pero wala eh, hindi ko na sya nakita.

And that was exactly three weeks ago.. pag napaguusapan namin ni Nathaniel na kumain, laging sa mall ako nagyayaya, hoping na makita ko si Kim. But damn, three weeks na pero wala pa rin. And yes, three weeks na rin kaming nagdedate ni Nathaniel. I am already starting not to mind about Marcus. Honestly, minsan kapag kasama ko si Nathaniel o kaya kapag may trabaho kami, hindi ko na gaanong naiisip si Marcus. Pag nakikita ko naman sila ni Cecil, kyeme na lang! Parang wala na akong pakialam. I mean, hindi na ako nabibitter and all pero napipikon pa rin ako kay Cecil. Mga tingin nya sakin parang nang a-asar eh.

But for me, siguro ang pinakaprogressive sakin ay yung paggamit ko ng firearms. Yes, alam ko na gumamit ng baril. Nakaapat na session na ako sa firing range nila Nathaniel, sya ang teacher ko. Kahit na lagi akong tinatawagan ni Marcus ng 4pm para pauwiin. Hindi ko pa rin natatanong hanggang ngayon kung bakit nya yun ginagawa dahil sa tuwing nakakauwi ako sa bahay, pikon na pikon ako sakanya. But I swear, pagpapauuwiin nanaman nya ako mamaya, makakatikim na sya sakin!

"Nat! Ikaw naman nga muna magdala nitong papers na hinahanap ni Boss oh. May kailangan pa akong tapusin eh." Halos maibuga ko ang iniinom kong kape nang biglang sinabi iyon ni Nathaniel. Nakakabasa ba ito ng utak ng tao?! Saktong si Marcus ang iniisip ko tapos bigla din syang nagsabi ng tungkol kay Marcus.

"Ugh. Ikaw na. Tinatamad ako." I reasoned out as I wiped my lips.

Sumilip sya sakin na may weird na tingin. "Bakit ba laging ako ang inuutusan mo basta may ibibigay kay Boss?"


"Nakakatamad nga!" Pilit kong dahilan.

"Suuus. Nakakahalata na ako ah. Crush mo siguro sya ano kaya ayaw mo pumunta dun? Nahihiya ka!" Sagot naman nya bigla na talagang ikinalaki ng mga mata ko.

"Hoy, pinasasabi mo dyan?!" Tanong ko sakanya nang sinalubong ko ang titig nya.

"Nakakaselos naman. Tsk. Si boss pala crush mo, talo na ko." Pagiinarte nya.

Nagdabog akong tumayo at hinablot sa mesa nya angmga papeles na tinutukoy nya. "Akin na nga! Dami dami mong sinasabi." Irap kong sabi sakanya.

"Yun oh! The best ka talaga." Aniya sa nakakapikon na tono. Tinalikuran ko na sya at naglakad patungo sa office ni Marcus.

On my way, hindi ko maiwasan ang pagiging asiwa. Bigla akong naconscious sa itsura at suot ko. I know na mukha naman akong presentable but damn, I just realized na sa sobrang pagiwas ko sakanya dito sa office, I created a gap. I took a deep breath as I opened his door. Hindi na ako kumatok dahil gusto ko lang ipakita sakanya na para sakin, hindi ko sya boss. Para sakin, isa lang syang nakaraan. Para sakin, pantay lang kami. Para sakin, sya si Marcus at ako ang reyna.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon